Chapter 35

6.8K 429 325
                                    

Chapter 35: Avoid
Zanashi

Can we talk?

Pabagsak akong humiga at muling nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko. Hinigpitan ko ang hawak sa unan habang lalo pang binalot ng kumot ang sarili. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha mula mata, hanggang sentido, at ang tuluyan nitong pagpatak pababa sa unan ko pero hindi na ako nagtangka pang punasan ito. Muling tumunog ang cellphone ko.

Can you please talk to me?

My grip on the phone hardened while slowly reading the words inscribed on it. Nang matapos sa pagbabasa ay muli kong pinatay ang phone. Hinila ko pa lalo ang kumot ko sa puntong pati ang bibig ko ay natatakpan na.

It's been three days since my father told me about the root of his anger towards the de Lopezes clan, most specifically towards Delbert de Lopezes. Matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon, buong gabi akong umiyak dahil sa mga nalaman at napagtanto.

Paulit-ulit kong naiisip ang mga paghihirap na natamo ni Papa dahil sa kagagawan ng Papa ni Sulivan. At.. paulit-ulit ring naglalaro sa isip ko ang ideyang ginagamit lang ako ni Sulivan para mapatahimik si Papa.

Inutusan ba siya ng Papa niya? Hindi ko mapangalanan ang galit na nararamdaman ko. Ni hindi na ako makapag-isip nang tama dahil napupuno ng galit ang sistema ko. Talagang sunod-sunuran siya, huh? Sa puntong manggagamit siya ng ibang tao? Sa puntong paglalaruan niya ang damdamin ko? Gano'n na ba sila kasakim sa karangyaang dala ng robot na 'yan?!

He kept texting and calling me during those days but I kept on ignoring and rejecting him. Wala na akong balak pang makipag-usap sa kanya. Wala na akong balak pang makipaglokohan sa mga taong walang ibang ginawa kundi manloko ng mga taong itinuring silang kaibigan.

Pinagtiklop ko ang bibig nang mariin at tinapunan ng masamang tingin ang cellphone kong nakalapag lang sa tabi ko. Muling itong tumunog pero imbes na kunin ay tinalikuran ko na lang ito.

Siguro kaya siya tawag nang tawag dahil natatakot siyang baka nalaman ko ang mga nangyari sa magulang namin, ang mga balak niyang gamitin ako, at ang mga binabalak pa niyang gawin para mapatahimik kaming dalawa ni Papa. Takot na takot, Sulivan? Takot na takot ba kayong malaman ng mga tao na pagnanakaw ang nagtulak sa inyo sa tagumpay?

Hindi ko alam kung ilang oras na naman akong umiyak. Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng talukap ng mata ko.

My puffy eyes before I fell asleep became puffier when I woke up. Feeling tired, I slowly sat up and gaze at my phone for how many minutes before I finally reached for it. Binuksan ko ang mensahe ni Sulivan dalawang oras na ang nakalilipas.

Nandito ako sa labas ng bahay niyo.

Nakatingin lang ako rito nang sobrang tagal, sinisigurado kung iyon ba talaga ang mga nakasulat sa screen ng cellphone ko. Lumipat ang paningin ko sa kurtina kong nakalantad ngayon sa aking bintana. Umiling ako at pinagdasal na sana ay hindi siya nakita ni Papa.

Wala si Papa ngayon dahil naghanap na naman siya ng trabaho. I've tried stopping him from using fake documents but he won't listen to me. Gusto ko man siyang pilitin pa, kusa nang sumang-ayon ang sarili kong pag-iisip sa ginagawa niya. Hindi ko kayang makipag-away pa sa kanya sa mga nalaman kong paghihirap niya dati. I know this isn't right but I just can't break him more.

Pakiramdam ko'y isa siyang salamin na konting-konti na lang ay mababasag na. Kaya't kung maaari, doble ingat ang kilos para hindi ito tuluyang masira.

Alam kong ayos na sa kanya si Sulivan at hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ba niya naisip na baka ginagamit lang kami ni Sulivan? Alam kong pwedeng walang kinalaman dito si Sulivan pero mahirap paniwalaan, eh. Lalo na't ang Papa niya ay si Delbert de Lopezes. Sana'y hindi siya nakita ni Papa dahil ayaw kong makapasok siya sa bahay namin. Ayokong mabahiran ng isang de Lopezes ang bahay namin!

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now