Uno

5 0 0
                                    

"Napass mo na yung project natin sa english?" Tanong saken ni Angel

"Hindi pa" simpleng sagot ko.

"Kelan ka magpapass?"

"Kapag natapos ko na" sagot ko.

"Nasaan ka na ba?" Tanong niya.

"Nasa tabi mo" pilosopong sagot ko

Kaya nakatanggap ako ng batok

"Gago! Jan ka na nga!" Tas umalis na siya.

Tinawanan ko lang pero masakit yung batok ah,malupet.

Naging busy kami pareho dahil sa pag aadjust this year kaya hindi na kami nakakapag usap pa muli.

"May practice tayo, 1pm sa gym yung meet up kasi as what our Mapeh Teacher said, bawal sa labas ng school, so ang malalate will be having a punishment or worst tatanggalin ko sa grupo, this is our first project in mapeh and we know that hindi madalas nag paproject yung mapeh teacher so goodluck guys, dismiss" Mahabang lintaya ko at pinauwi na ang group ko sa mapeh, hays alam kong panibagong sakit sa ulo na naman pag nagka taon.

Half day lang ang klase namin dahil sa dami ng estudyante na nag-aaral sa school.

As I walked towards the stair kasi nasa 2nd floor yung room namin so kelangan naming bumaba, nakita ko siya, paakyat ng hagdan na nagmamadali I just want to approach her but parang nagmamadali talaga siya,so hindi ko nalang din pinansin.

Nagmadali akong lumabas but may nabangga ako, sht! Malalate ako sa practice, ako pa naman nagsabing bawal malate! Tangina naman!

"Sorry" inis na paghingi ko ng tawad without looking who's this bitch trying to make my patience short.

"Sorry" nagsalita din siya at napatingin ako sakanya.

And my eyes widened. How come nandito siya eh umakyat siya diba?

And there, nakita ko yung isang stair na nasa left malapit sa gate.

"Oh sorry din, nagmamadali ako pasensya na, I have to go" nagmamadaling aniya ko at naglakad na palayo.

Nung nakarating na ako sa bahay, agad akong dumeritso sa kwarto ko and nagbihis ng jogging pants and a t-shirt para sa practice and a sleeper para sa paa. Simple as that.

Kinuha ko na sa bag ko yung kakailanganin, kasama na yung pinaka importante kong earphone and cellphone.

Nang masigurado kong wala na akong nakalimutang importante ay pumunta na agad ako pabalik ng school.

Ghad! 5 minutes left at mag wa-1pm na!

Hindi na ako nag commute dahil malapit lang din naman yung school namin sa bahay namin, lakad takbo na ako para lang makarating sa school.

Nang makarating ako sa gym ay nakita ko yung ibang classmates ko but hindi ko pa nakikita yung ka grupo ko. Nagpalinga linga pa ako and there, nakita ko sila sa stage.

As I walk towards the stage, isa isa kong chineck if may kulang pa kami and yeah, 2 pa yung wala, excluding me.

Chineck ko yung relo ko and before it strike 1pm dumating na yung dalawa.

We immediately start para hindi kami gabihin.

"Sa inyo nalang si Hannah, wala siyang ka grupo" no choice so sa amin nga si Hannah.

"So ganto, tapos ikot then tak" turo ko sakanila sa sayaw.

"From the top" utos ko.

Alas 4 na nung matapos yung practice namin. Agad akong umuwi dahil may practice din kami ng dance troupe.

Ganto na yung buhay ko. Everyday ganto and every minute, wala man lang pahinga, kung meron man ang liit din. Parang gusto ko ng tumigil sa pag aaral HAHAH joke.

Pagdating ko sa bahay humiga muna ako sa sofa. Kapagod

"Gising na, alas singko na, wala ka bang practice?" Pungas pungas akong nagmulat ng mata. What?! Nakatulog ako?! Di ko man lang namalayan.

Agad akong napabalikwas at tumingin sa relo ko. Sht! 5:20 na! Kingina 10 minutes nalang magstastart na kami!.

Hindi na ako nag bihis, agad na akong tumakbo papuntang eskina tsaka nag hintay ng trysikle papuntang lugar ng pagprapractisan namin.

5 minutes na akong nag hihintay at palaging puno yung dumadaan. Kainis!

4 minutes nalang ang natitira! Potek!

Nung may isang bumaba ng trysikle agad ko iyong pinara at sumakay.

Nung dumating ako sa tagpuan, ang sabi saken wala pa daw yung choreo namin, ka troupe lang din namin but higher, kaya napahinga ako, umupo ako sa bato na nasa gilid ng net ng soccer. Kapagod kingina.

"Langga!" Napalingon ako sa sumigaw. Yeah, its her--looking at me.

Langga is the sweetest endearment in Bisaya. Im just scrolling to my newsfeed when her post pop, it was just a joke so I jokingly comment "langga" to her post, then she message me.

Her classmates tease her as I smiled towards her.

Lumagpas lang sila sa lugar kung saan kami nagprapractice.

Kaya nag concentrate na din ako sa pagsasayaw.

"Bukas kailangan maaga kayo, 3 weeks to go and mag peperform na tayo, hindi naman natin gustong mapahiya diba?" Aniya ni Kit-choreo namin.

Tumango lang kami bilang pag sang ayon.

"Walang malalate, ang malalate will having a punishment"

Napabuntong hininga nalang ako. Kelan ba ako hindi malalate, tsk. Sana palarin ako bukas.

"Dismiss" ng marinig ko yan ay agad lumaylay ang balikat ko, grabe kapagod din sumayaw magdamag.

"Rain, sabay ka na sa amin? Delikado na 10pm na. Sabay ka nalang para marami tayong maglalakad" tanong sa akin ni Kuya Kit.

Isa isa ko silang tiningnan and kalahati sa grupo namin yun kasi ang iba sa kabila yung bahay nila. Kaya tumango na lang ako. Parang wala na akong masabe dahil sa pagod.

Nang makarating sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at kumuha ng pamalit, at tumungo agad sa CR para maligo.

After kong maligo ay tumungo na ako sa kama ko. Hindi pa man nangangalahati ang oras ay nakatulog agad ako.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now