Dose

0 0 0
                                    

"Gusto kang ma meet ni Lola, sunduin kita?" Nagulat ako sa text ni Rainlegh. Am I dreaming?

"Huh? Diba nasa Palawan ka? Paano mo naman ako ipapakilala?" Reply ko dito.

"Susunduin kita. Magpaalam ka sa parents mo, sabihin mo birthday ko tapos dito icecelebrate, tas hindi ka naman gagastos. Ang dadalhin mo lang ay ang sarili mo at kailangan mong isuot or whatever, ako na bahala sa lahat" reply niya na naman.

Kailangan  ko pang magpaalam! Sana nga payagan ako ni Mama.

"Pero sige susubukan ko" reply ko at nagpaalam na kay Mama.

"M-ma" kingina kinakabahan ako baka di ako payagan

"Hmm?"

"A-ano kasi" kingina hindi ko masabi sabi ano ba yan!

"Just spit it, Rav" sabay tingin sa akin.

"Mag bibirthday kasi yung best friend ko Ma" wao best friend daw with benefits ba 'to? HAHAH

Tiningnan lang niya ako at hinihintay ang ibang sasabihin.

"She invited me tapos sa Palawan po yun gaganapin" nakayuko kong pagpapaalam.

Payagan mo ako Ma please!

Nagulat naman siya.

"Ang layo naman, wag ka nalang pumunta" sabi niya pa.

"Pero Ma" naaaaah gusto kong makilala lola niya.

"Oh ano Ravyn?"

"Siya naman daw bahala sa mga expensive eh. She just want my presence there" naka puot na sambit ko.

"Sige na Ma, please. Ako lang yung inimbitahan niya tapos di mo pa ako papayagan, edi malulungkot yun! Wala siyang kasabay na sumalubong sa birthday niya" lagot ka talaga sa akin Rainlegh Denniz Savaedra! Grabe yung pagsisinungaling ko dito ah

Bumuntong hininga naman si Mama.

"Okay, kailan ba yan?" Omyghad! Pinayagan niya ako Yes yes yes!

"Sa Saturday siguro Ma, hindi niya pa sinasabi eh pero mga ganun siguro ma" dagdag ko pa.

"Okay, mag ingat ka dun ha. Hindi ko pa kilala yang best friend mo, kaya ingatan mo ang sarili mo" concern na aniya nito.

"Ang layo pa naman" dagdag pa nito.

"Opo Ma!" Masigla kong sambit at umakyat na pagkatapos naming mag-usap ni Mama.

"Pinayagan ako ni Mama, kailan mo ako susunduin?" Text ko kay Rainlegh.

"After your class in Friday" reply nito.

So, sa tanghali. Pupunta na kami dun?

" Tayo lang ba?" Tanong ko pa dito.

"Do you want to join some of your friends or what?" Tanong din nito.

Syempre hindi, para solo namin dun.

"Naku, wag na. Mas lalaki lang yung gastos mo" reply ko nalang.

"Okay, see you in friday baby. Goodnight, I need to sleep now" reply nito kaya nagpaalam na din ako

Luh. Did she call me baby?-- I mean hindi talaga tinawag pero tinype niya?! Ecccccckkk

Hindi ako nakaayos ng tulog ng dahil sa excited kahit sa friday pa naman yun tapos tuesday pa ngayon.

"Ma, pasok na po ako" pagpapaalam ko kay Mama.

Hays, miss ko na siya. Nuon, sabay kaming pumunta sa School tapos ngayon ako nalang mag-isa kasi ang layo niya.

Nang makarating sa School ay agad akong nagtungo sa room.

'hindi ka dapat malungkot Ravyn kasi magkikita kayo sa friday, and she's making an effort for you. Swerte mo kay crush!' Sabi ng malandi kong isip.

Kaya nagdaan ang araw na iyon na hindi ako malungkot, palagi lang akong tumatawa at ngumingiti

"Ravyn, sabay ka na sa amin?" Pag aaya sa akin ng barkada ni Rainlegh.

Hihindi na sana ako nung makita ko ang Best friend ko na si Hazel.

"Rav! Sabay ka na sa amin, baka magalit pa si Rainlegh sa amin kung wala kang kasabay" akbay nito sa akin.

"Okay, tatambay pa ba kayo?" Kasi nung nandito pa si Rainlegh, tatambay muna sila mga ilang oras tapos uuwi na kapag nag 12.

"Hmm siguro, sama ka na samin. Para namang iba kami sayo" halakhak ni Mhariko. Hindi talaga ako komportable sakanya, naiinis ako na hindi ko alam. I'll found out soon.

"Sige, total wala din akong kasabay" sagot ko nalang sakanila.

"Kamusta naman kayo ni Rainlegh?" Tanong ni Mesha---kung hindi ako nagkakamali.

"It's fine" maikli kong sagot, ewan ko din ayoko din sakanya.

"Tagal naman bumalik ng gagong yun, 1 week pala siyang mag aabsent" sambit pa ni Sam.

"Oo nga eh, chat nyo nga! Dalhan tayo ng pasalubong dito" sabat pa ni Yanna.

"Hala bet!" Zen.

Kaya natawa nalang kaming lahat ng makompleto na ang barkada nila without Rainlegh ay umuwi na din kami.

"Uwi na tayo, ingat kayo" pagpapaalaman pa namin.

"Kawawang Ravyn, hindi man lang niya alam na pinaglalaruan siya" bulong ng kung sino pero nung makalingon ako ay hindi ko alam kung sino sakanila ang nagsalita. Aish, dahil sa sobrang excited siguro to kaya minsan nakakalag isip ng hindi magagandang bagay.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at sumabay sakanila sa pag uwi.

Forbidden LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora