Katorse

0 0 0
                                    

Kapagod ng araw na ito. Nakakaduga.

"Good morning, take care, mag pakabait ka sa klase" basa ko sa text galing kay Rainlegh.

I smiled, kinikilig ako kapag nag memessage siya.

"Snacks na namin, ngayon ko lang nabasa, sorry. Ingat ka diyan" reply ko sakanya.

"Okay" tss ang tamad talagang mag reply nito.

"Ravyn, nag update ng profile yung ex mo oh" tatawang aniya ng kaibigan ko.

"Pakialam ko dyan. Kontento na ako kay Rainlegh" singhal ko pa habang nagkakalikot sa cellphone ko.

"Pati screen, mukha niya. Hibang ka na Ravyn" nakangising aniya niya pa.

"Pakialam mo?" singhal ko na naman na nagpailing sakanya.

"Duda ko, pinaglalaruan ka lang ni Rainlegh" sabi niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa'n mo naman nakuha yan, ha?" Tanong ko pa.

"Wala lang, feeling ko lang." Nag aalangan niyang sambit. Hindi ko nalang ito pinansin.

'Baby's calling......'

What the heck?! Tumatawag siya?, Omyghad! Its okay, may 15 minutes pa akong break.

Taranta kong sinagot iyon at nag earphones.

"Hello?"sagot ko dito.

"How are you?"tanong nito. Tangina, nakakakilig.

"I'm fine, ikaw? Okay ka ba dyan?" Tanong ko din.

"Okay lang. Im tired baby" pahinang pahina yung boses niya na parang pagod na pagod. Ang husky ng boses niya sa phone. Kinikilig ako sa baby, potek.

"Ano bang ginagawa mo at pagod na pagod ka?" Nakangiti kong tanong kahit hindi niya naman nakikita.

"Nakatambay lang sa bahay" tamad na sagit nito. Kahit kailan talaga to, ang tamad.

"Anong kina tired, eh tumambay ka lang naman?"

"Wala, tired lang" sabi niya at tumawa kaya natawa din ako.

"Nag snacks ka na ba?" Tanong pa niya.

"Oo, habang kausap ka"

"Good"

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin.

Ako yung bumasag ng katahimikan.

"So? Ano ng ginagawa mo ngayon?"tanong ko dito.

"Katawag ka, nag snasnacks din" sagot niya pa.

Magtatanong sana ako ng parang nagkakagulo sa background.

"Lola, aken na yan!" Narinig ko mula ka Rainlegh pero mukhang malayo sakanya ang phone.

"Is this Ravyn Mendoza?" Ibang boses na ang nagtanong, matandang boses.

Tiningnan ko ang caller at si Rainlegh parin naman.

"P-po?" Nauutal kong aniya.

"Ravyn Mendoza?" Tanong niya muli.

"Yes po ako po si Ravyn, bakit po?" Kinakabahan kong sambit.

"Good"

"Lola naman eh!"

"Sinisiguro ko lang na siya yung nasa Caller ID! Baka iba na nilalandi mo!" Yan lang ang narinig ko sa kabilang linya tapos nagsalita si Rainlegh.

"Sorry, lola ko yun" she apologized.

"It's okay. Pero kinakabahan ako dun ah" sabi ko pa.

Narinig ko siyang tumawa bago magsalita.

"Wag kang kabahan, you'll meet her, on friday. You need to end this call, baka may teacher na dyan, call you later if you're not busy. See you on friday baby" sabi niya pa.

Napapangiti na lang ako kapag tinatawag niya akong baby. Ano ba yaaan!

Nang malingunan ko yung mga kaklase ko ay may nanunukso ng mga tingin. Tss

"Okay, mag ingat ka dyan ha. Wag magpapawis, tsaka kung meron kang time dyan, tawagan mo lang ako, palagi akong sasagot. See you din. I love you" kaya ayun narinig ko yung mahinang hiyaw ng mga kaibigan ko.

Natawa naman ito " oh, baka tuksuhin ka na ng mga classmates mo dyan, ingat ka din ah" sabi niya at inend.

Nakangiti kong binaba ang earphones ko.

"Yun oh!"

"Woah!"

"Sanaaaaol"

"Sanaol may katawagan!"

"Sanaol tinatawagan!"

"Yoown!"

Kanya kanyang hiyaw yung mga kaibigan at kaklase kong nakawitness.

Inilingan ko lang sila at nakitawa.

Hanggang sa dumating na ang next teacher hindi parin mawala wala yung ngiti ko, hanggang sa nag uwian na.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now