Dise Sais

0 0 0
                                    

"Thank God, sabado na!" Masayang sigaw ni Sam.

As usual sakanila ako sumasabay sa uwian kasi nga bilin daw yun ni Rainlegh. Excited na akong makita siya.

"Tapos yung weekends natin parang 2 hours lang! Kainis!" Reklamo pa ni Yanna.

"Tas hindi pa yan! Yung iidlip ka lang ng 5 minutes tapos pagmulat mo 1 minute lang yung nabawas sa oras kapag nasa room. Grabe nakakalila na!" Reklamo din ni Zen.

Nakikinig lang ako sakanila dahil pareho lang din naman yung rants kami.

"Yo. We need to go" napalingon ako---hindi lang ako kundi kaming lahat, napalingon kami sa nagsalita.

"Aba nandito ka na pala!"

"Hoy Rainlegh, ang aga mong nag bakasyon ah!"

I smiled when I see her, binabatukan siya ng mga kaibigan niya at kinakamusta.

"Let me go!" Reklamo niya at inayos pa ang white t-shirt niya na madaming panda. She's wearing panda shirt, black ripped jeans at white rubber shoes.

"Bakit may pa mask ka mayora?" Tanong pa ni Yanna. Oo nga noh

Tumingin naman siya sa akin at binalewala ang mga kaibigan.

"We need to go" parang nagmamadali talaga siya dahil kanina pa siya hindi mapakali.

"Oy! Tinitohanan na!"

"Ito na ata eh" tukso pa ng mga kaibigan niya.

"Guys, sorry but let me explain next week. We  need to go" at hinapit niya ako papunta sakanya at hinatak namin ang daan papunta sa bahay namin.

"Hindi ka nagtext na susunduin mo na ako" sabi ko pa nung makarating kami sa bahay.

Tinanggal niya naman ang mask niya.

"Oh, tubig" abot ko sakanya.

"Thank you. Hindi na kita tinext alam ko namang tatambay pa yung mga yun" sabi niya.

Nakatingin lang ako sakanya habang umiinom siya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Yung mga gamit mo?" Tanong niya.

"Ah! Nasa kwarto pa kukunin ko muna,upo ka muna dyan" sabi ko at umakyat na pero sumunod siya.

"Sama ako" nakapuot nitong sambit.

Natawa nalang ako sa itsura niya.

Habang hinahanda ko ang mga gamit ko, umupo naman siya sa kama ko. Nakatalikod ako sa gawi niya kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon.

"Isang araw lang naman tayo dun diba?" Tanong ko sakanya.

Nang walang sumagot ay nilingon ko siya.

Nakita ko siyang naka half higa. Umuupo na humihiga.

Linapitan ko siya at nakita kong nakatulog ito. Pagod na pagod siguro sa byahe. Sabagay, kapagod din naman umupo ng ilang oras.

"Rainlegh" pag gising ko dito, hindi ko naman alam kong anong oras yung flight namin eh, kaya baka late na kami.

"Rainlegh" pag gising ko ulit ngunit tumalikod lang ito sa akin.

"Baby" sheyt! Araw arawin kitang tatawaging baby. Pero hindi parin siya nagigising.

"Sabi nga nila, mahirap gisingin ang taong gising" sabay hampas ko sakanya.

Napadaing lang ito at humarap ulit sa akin ngunit ayaw imulat ang mata.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now