Singko

1 0 0
                                    

"Nandito na ako sa school, papunta na kami dun mga 30 minutes" chat ko sakanya. Ngayon ang Intrams namin na sabi niya ay magkikita kami.

Nagpicture picture lang kami, lalo na nung bestfriend kong si Viannie na minsan ko nalang makausap kahit nasa iisang campus lang naman kami.

Pagkatapos maghanda ang lahat ay
pumunta na kami sa venue kung saan mag sisimulang mag parade.

Malapit na kami nung magchat siya na kakasakay niya lang.

"Ingat ka, magdala ka ng tubig, wala akong tubig" reply ko sakanya. Ganun na kami ka comfortable but feelings? I dont know, hindi ko pa naman ramdam. Masaya lang ako na nandito siya sa tabi ko, nakakausap,nahahawakan at nakikita. I dont know kung ano yung nararamdaman niya.

"Daming tao" sambit nya nung makarating sa venue.

"Malamang lahat ng estudyante andito"sagot ko sakanya.

"Oh a'san yung linya niyo? Kahit kailan ka talaga hindi ka sumusunod, dun tayo sakanila baka mapagalitan ka pa" kaya napatianod nalang ako sakanya.

Para ko siyang magulang slash best friend.

"Ang dami mo naman atang dala? Lalayas ka ba?" Pabirong ani niya.

"Oo kung pwede lang" pang aasar ko pa

"Ulul"

Yung dala ko is malaking light pink backpack, suot ko is black plain tshirt and maong short, white knee sock and a white Snickers shoes. Nahirapan pa ako sa pagpili ng sapatos kasi tatlo yung dala ko, naka braid yung buhok ko ng pang dalawahan.

"Ito nalang soutin mo,mas maputi" kinuha niya yung isang sapatos na nasa bag ko at pinasuot sa akin,habang sinusuot ko yun kinuha niya yung bag ko.

"Ako na magdadala" alok niya kaso may bag din naman siyang dala pero maliit na backpack lang.

"Wag na, may bag ka naman eh" kaso kinuha niya at binigay sa akin yung bag niya.

"Barter tayo, para naman hindi ka mahirapan" and tama nga siya hindi naman kasi mabigat yung sakanya, may ilang tshirts tas water bottle lang naman yung laman.

"Ano bang nasa loob nito? Parang ang dami ah" tanong niya.

"Yeah, two pair of shoes, isang black jogging pants, 2 extra tshirts,cellphone and earphones"

"Ako na magdadala ng cellphone mo" kaya binigay ko din sakanya. Kasi alam kong mas secure sakanya yung phone ko.

Nagsimula na yung parade at naglakad na kami, habang naglalakad hindi maiwasan ang disgrasya pero hindi naman ako.

"Mag ingat ka nga, ba't ka ba nagmamadali,ayaw mo'komg kasama" tanong niya na may inis.

"Ulul! Malamang andun yung dancers baka ano sabihin nila bakit ako nandito." Kaya ayun sabi niya na dun nalang kami magkita sa Central Gym.

Nang makarating kami sa Central Gym ay kanya kanya ng hiyawan, chants ng mga team at hindi papatalo ang Blue Greffins which is kami.

Agad ko siyang hinanap dahil nasa kanya yung bag ko. Nang makita ko at nang magtama ang mga mata namin lumapit kaagad siya saken.

"Aken na muna yang bag ko, vivideohan ko kayo" sabi niya at kinuha ang bag

"Goodluck Ga" pag checheer niya.

"Thank you" I smiled.

"Rainlegh, tawag tayo ni coach, pipinturahan daw yung kamay" sabay kaming napatingin sa ka grupo ko kaya nagpaalam na din ako sakanya.

"Mamaya nalang, ingat ka ah, hindi ako makakacommunicate sayo kasi na sayo phone ko" sabi ko.

"Okay, dun lang ako sa mga classmates ko" tumango lang ako.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now