Siete

1 0 0
                                    

"You don't care!"

Papunta na akong gym ng may marinig akong sigaw, at boses iyon ni Rainlegh. Dali dali ko itong pinuntahan at nakita ko siyang nakatayo habang yung lalaking ka MU niya nuon ay nakaupo. Parang kumulo ang dugo ko sa nakita ko.

"I do! Because I Love You!" Sigaw ni Mike kay Rain. Tangina sino siya para sigaw sigawan yung prinsesa ko?

Nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag. Si mama pala.

"Hello ma?"

"Anak, anong oras ka uuwi?"

"Mamaya maya na siguro ma, hindi naman po ako gagabihin"

"Ohsge. Mag ingat ka, balitaan mo ako kung nakauwi ka na sa bahay"

"Okay po" at inend ko na ang call.

"Mahal mo ba?" Napalingon ako sa dalawang nag uusap ng marinig ko iyon, hindi agad nakasagot si Rain sa salitang binato ng kanyang Ex MU.

Mahal niya ba talaga ako? Kasi ako hulog na hulog na!

"Wala kang pake!" Tanging sagot ni Rainlegh.

Bakit hindi niya masagot? Bakit hindi niya masabing oo? Mabigat ang pakiramdam na tumalikod ako dahil ayokong marinig ang mga sasabihin niya. Bakit ko ba pinilit ang sarili ko sakanya? For pete sake Ravyn, ayaw ng tao sayo! Bakit ba hindi ka madala dala?! Bago pa bumuhos ang luha ko ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad paalis.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta,  wala akong pakealam sa mga taong nakakakita sa akin na umiiyak, ang tanging naririnig ko lang ay yung puso kong nabiyak.

Ano ba Ravyn Marisse?! Hindi pa nga niya sinabing Hindi eh!

Pero ayokong marinig ang iba kasi parang hindi ko kakayanin. Gusto ko munang mapag isa.

Sa paglalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa room nila.

Kanina lang, naging girlfriend kita tas ngayon lumuluha na ako. Ang saklap naman!

Hindi ako dapat mag overthink. Kelangan ko siyang sabihan, ngunit parang masakit kahit hindi naman siya sumagot ng hindi.

Napatigil ako sa pagluha ng may pumasok sa room. It's her.

Napangiti ako ng mapait.

"Hey" she greet.

"Oh" pinunasan ko na ang luha ko. Nakakahiya naman.

"Why are you crying?" Tanong nito ng makalapit sa akin.

" Wala" mabilis na sagot ko.

"You're crying for wala? Who's wala then?" Parang naiinis na sambit niya. Napatawa naman ako, sana nga, sana nga totoo yang pagseselos na nakikita ko sa mga mata niya.

"Galing mong mang asar eh noh?" Singhot singhot kong sambit.

Kumunot naman ang nuo niya at nagtanong ulit.

"Bakit ka umiiyak?"

Hindi agad ako nakaimik.

"Alam ko naman eh, sabihin mo na sa akin na ayaw mo talaga, nandidiri ka na ba sa akin?" Tanong ko dito. Nag uunahan na namang tumulo ang mga luha ko.

" Bakit naman?--yo stop crying I hate it" naiinis na sambit nito at pinunasan ang luha ko.

"Then don't make me hurt and cry" napiyok ako ng sabihin iyon ng dahil sa pagpipigil ng luha.

Napamaang siya at malungkot na tumingin sa akin.

"Pi-pinaiyak kita?" Hindi makapaniwalang sambit nito.

"No I mean---" hindi ko natapos ng magsalita siya.

"Tell me the truth" hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata.

Napatahimik naman ako at nagdadalawang sabihin ang narinig.

"Narinig ko kayo" pero pinili kong sabihin, baka sakaling maging okay ako.

Lumambot ang mukha niya na tumingin sa akin. Ang ganda niya na parang lalaki. May mga features siya ng isang lalaki, nuong unang kita ko sakanya sinabi ko sa sarili ko na magpapaligaw ako dito, ngunit parang hindi naman ito interesado sa akin,pero heto siya at nanliligaw nga kanina. Babae naman talaga siya eh, yung kilos, pagsasalita at pananamit lang hindi when its outside, pero kapag nasa loob ng Campus ang desente niyang tingnan,para siyang maamong babae.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Bakit sinagot mo siya ng walang pake? Bakit hindi, oo at hindi?" Singhal ko.

"Pinaglalaruan mo ba ako?"hindi ko napigilang itanong.

Nagulat ako nung yinakap niya ako. Mahigpit na yakap, ang sarap na nasa bisig ka niya.

"Hushh" pagtatahan niya sa akin ngunit mas umiyak lang ako sa balikat niya.

"Hindi kita pinaglalaruan, hindi ako naglalaro ng barbie" kingina feel na feel maging lalaki ang gago, babae naman, kaya pinalo ko siya.

"Mahal mo ba ako?" May namumuong pag asa sa tinig ko.

Natahimik naman siya at bumuntong hininga.

" I dont know"

I dont know

I dont know

I dont know

Walang kasiguraduhan?! Ano ba yan!

Mas sumakit lang ata. Pero pareho lang naman yun eh, wala ding kasiguraduhan yung sinabi niya sa panget na ka MU niya.

Natahimik kami pareho, parehong tahimik na nakayakap sa isa't-isa.

"Im sorry" siya mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Sorry for hurting you, sorry kasi umiyak ka ng dahil saken."

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Hindi ko alam kong mahal kita, pero alam kong..." Bitin na sinabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"Gusto kita"

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now