Dise Siete

0 0 0
                                    

"Ang ganda dito!" Manghang sambit ko.

From fresh air, crystal clear water and beautiful nature!

Nabihag ng kagandahan ng isla ang mga mata ko, halos lahat ng nadadaanan namin ay maganda--crap that! Lahat ay maganda!
Sobrang linis at wala man lang isang basura na nasa karsada, kundi nasa tamang lalagyan talaga. Mga taong palangiti, mabait at masayahin. A paradise! A beautiful paradise! Kahit na malapit ng mag gabi ay napakaganda parin nito.

Huminto ang sinasakyan naming van kaya napadungaw ako sa bintana, kanina pa ako nung makababa kami ng eroplano ay para akong egnoranteng bata na kahit saan lumilingon, ang ganda! Parang gusto ko ditong tumira!

Nakakita ako ng malaking bahay---is this a house? Parang palasyo na ito sa sobrang laki!

When the maid open the van door, nangunguna na akong bumaba at linibot ang tingin.

"You like it?" Nabigla ako sa pagyakap ni Rainlegh sa bewang ko.

Tanging tango lang ang naisagot ko dahil busy akong naglilibot ng tingin.

"Inaantok ka na naman?" Kapagkuwan ay tanong ko dito, dahil malamya parin itong naglalakad at para bang gustong gusto ng maupo.

"Hmm" tanging sagot niya.

Lumakad kami sa malaking hallway. Tanaw na tanaw ang mamahalin at malaking chandelier nila at ang pabilog na hagdanan.

"Nandito na pala kayo! Dito tayo sa Dining!" Napalingon ako sa nagsalita.

Nakayakap siya kay Rainlegh at nagmano naman ito.

"Mano po Lola"

Lola? So siya ang lola niya? She's gorgeous!

"Hi po, good evening" yuko ko pa ng sa akin ito tumingin.

"Good evening" simpleng tugon nito ngunit hindi inaalis ang paningin niya sa akin.

Naiilang akong ngumiti at nag iwas ng tingin.

"Lola? Can I take her to her room? Baka napagod po siya, mamaya bababa po kami para saluhan kang kumain" ng sabihin iyon ni Rainlegh ay dun lang nawala ang paningin sa akin.

"Yeah sure, take her to your room, darling" nakangiti nitong sambit?

"My room? Why?" Gulat na tanong ni Rainlegh.

" Anong why? You will sleep together!" Mataray na sambit ng matanda.

"Lola but--

" No buts Rainlegh Denniz, she's girl anyway. Have a problem with that?" Pagputol ng lola niya.

Ilang naman akong tumingin kay Rainlegh. Parang kanina lang natulog ka sa kama ko ah tas ngayon ganyan ka.

"Go, magpahinga muna kayo" sabay tingin nito sa akin at nginitian ako.

Ngumiti naman ako pabalik, sana ay tanggapin niya ako.

Umakyat na kami sa hagdan at nangunguna si Rainlegh, hindi man lang ako hinintay.

"Come in" at binuksan ang pinto.

Sa pintuan palang ay kulay itim na ito at may pangalan na nakalagay.

"Rainniz" basa ko dito.

"Dont mind it" sambit niya at pumasok.

Sa pagpasok ko ay malaking kwarto ang bumungad sa akin, kumpleto ang lahat, mini library, queen size bed, study table, couch and tv, may isang kwarto pa at mukhang cr yun dahil pumasok si Rainlegh dun na may dalang towel. Ang laki ng closet niya, may sariling shoe rock din siya. A fridge at may malaking sliding door at veranda. Peaceful.

Humiga ako sa kama niya. Ang lambot.

"Take a bath first" napalingon ako sakanya ng magsalita ito, nakatapis siya. Pft parang turon. Maasar nga.

"Pft, mukha kang turon" napatigil naman siya sa pagpunta sa closet ng sinabi ko iyon.

Lumingon ito at sinamaan ako ng tingin.

" I maybe flat, but hot" turan nito at ngumisi tsaka pumunta sa closet.

Natawa naman ako sa sinabi niya, kapal.

"Maligo ka na, nasa loob yung towel mo!" Sigaw niya pa kaya naligo na din ako.

Ang laki ng cr niya, para siyang may sariling bahay.

Ng matapos akong maligo ay lumabas na ako.

Ng makalabas ako ay nakabihis na siya ng pantulog, a panda sleepwore. Cute.

Tinapik niya yung may damit sa side niya at
"Ito suotin mo, dont worry its a stitch. I know you will like it" sabi niya pa at patalong humiga.

Kinuha ko ito at stitch nga!

"How did you know that I like stitch?" Nakangiti kong tanong.

"I just know"

" Weh? Nang stalk ka noh?" Panunukso ko pa.

"Im observant" sagot niya.

"Sus, pwede namang sabihing tinanong o stinalk moko" bulong ko sa hangin at nagbihis na.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture picture sa malaking salamin sa walk in closet niya.

" Sali moko" sabi pa nito at bumangon.

We did a lot of wackies.

May mga picture na pareho kaming nakataas ang kamay, maliban sa isa kong kamay kasi mirror shot na naman.

Meron ding parehas na nakayakap sa isa't isa. May nakahawak siya sa bewang sa akin tas ako nakatingin sakanya, meron ding nagpiggy back siya sa akin kasi mas malaman ako kesa dun. Payatot yun.
May picture din kami na naka peace sign at may pamodel pa.

She's like my best friend--- she's my best friend slash lover.

Tawang tawa kami nung matapos.

"Ang cute ko"

"Mas ako, tingnan mo nga" pakikipagtalo niya pa.

"Pero ang cute ko talaga"

"Ayduh, nag-iimagine ka lang" sabi pa nito.

"Ang sama mo!" Palo ko pa sakanya.

"Nyenye" para siyang bata,psh.

Nasa kama niya kami ngayon at nagtitingin sa mga pictures.

"Tara na sa baba, baka na bored na lola ko dun" aya niya at tumayo, hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Bakit?"

"Kinakabahan ako" pag aamin ko dito.

"Bakit naman?" Tanong niya pa.

"Baka di niya ako tanggapin"

"Edi kung hindi ka niya tatanggapin edi uwi ka na ulit!"baliwalang sabi nito at hinatak ako, napakasama talaga.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now