Dise Otso

0 0 0
                                    

"Alam mo ba nung bata pa ito? Tumalon ito sa veranda, jusko buti nga at hindi napilayan. Idol niya daw kasi si spiderman kaya sinubukan niya din eh wala namang lumabas sa mga daliri niya" pagkukuwento pa ng lola niya.

"Lola, tama na!" Para ng batang pinag agawan ng lollipop si Rainlegh dahil busangot na ang mukha.

Kanina pa kami tawa ng tawa dito ng lola niya, kahit ang mga maids ay natatawa din na mabalikan ang nakaraan ng alaga nila.

Ang akala ko ay hindi niya ako magugustuhan ngunit siya pala itong gusto akong papuntahin dito, at gustong makilala ako. Sweet.

"At bakit? Mga experience mo naman yun apo" nanunuksong dagdag pa ng lola niya.

Kaya natawa naman ako.

"Ravyn, tumigil ka nga" at sinamaan ako ng tingin.

Kaya mas lalo pa akong natawa.

"What's wrong? Nagkwekwentuhan lang naman eh, ang pikon mo masyado. Kumain ka nalang dyan, para tumaba ka naman" panunukso ko pa dito na nagpatawa ng mahina sakanyang lola.

Inismiran niya naman ako tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Patuloy sa pagkukwento ang lola niya hanggang sa matapos na kaming kumain.

"Ang sarap po ng pagkain, salamat po" pagpapasalamat ko.

"Walang anuman, Ravyn. Magpahinga na kayo oh, Rainlegh, alagaan mo siya hindi yung matutulog ka kaagad" sabi pa ng lola niya.

"Noted" tipid na sabi niya

Nag goodnight lang kami tsaka pumunta na sa kwarto.

Ako lang mag isa dito sa kwarto niya dahil pinuntahan niya muna ang lola niya, hindi nagtagal ay bumalik na siya.

Agad siyang lumapit sa akin.

Tsaka humiga sa kama.

"Kapagod" reklamo niya naman.

"Puro ka reklamo" bulong ko pa

"Ano ba kanina ka pa!" Inis niyang bangon.

Nagulat naman ako ngunit sa huli ay natawa.

"Bakit ang grumpy mo? May dalaw ka?" Asar ko pa.

"Isa pa Ravyn, tingnan natin kung di ka tatahimik" banta niya pa.

"Nyenye, pikon" dagdag ko pa tsaka tumalikod sakanya.

"Payatot, pikon ano p---

O_o

"Oh? Natahimik ka dyan? Sabi na eh" tatawang tawang sabi niya.

Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla niya akong hinila at pumatong. Lokong to.

Para akong hinahabol sa sobrang kabog ng puso ko. Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng nakapatong sa akin ngayon. Ang nakangiti niyang mukha---ang sarap tingnan.

"Huy!" Pagtatawag niya pa sa akin.

"H-ha?"

"Hatdog." Kaya inis ko siyang tinulak.

Humalakhak naman ang gago.

Natahimik ang kwarto kaya liningon ko siya, nakatingin ito ng diretso sa ceiling.

"Gusto mong gumala?" Tanong niya sa kawalan.

"H-ha?" Nautal pa, ano ba yan.

"Gusto mo bang gumala?" Tumingin na siya sa akin nung inulit niya iyon.

"Ngayon? Gabi na ah!" Sabi ko pa.

"Sinabi ko bang ngayon?" Dagdag niya pa kaya nawala ang gulat sa mukha ko.

"Gala tayo, bukas. Gusto mo?" Nakangiti niyang tanong.

"Oh sige bah!" Masaya kong tugon.

Ngumiti naman siya at bumangon, dinala niya ang isang unan at nagkuha naman siya ng comforter sa cabinet niya.

"Aanohin mo yan?" Tanong ko.

Tumingin naman siya sa kinuha niyang mga gamit.

"Itatapon siguro" namimilosopo na naman.

"Ewan ko sayo"

Ilinatag niya naman ang unan at comforter sa sofa tsaka siya humiga. Mas linakasan niya pa ang aircon.

"Ginagawa mo dyan?" Takang tanong ko pa.

"Maliligo siguro" nakakalima na siya ah, ang pilosopa talaga nito.

"Bakit ba dyan ka matutulog? Ang laki ng kama mo oh!" Singhal ko pa.

"Dyan ka matulog, tas dito ako" sabi niya pa.

"Ano? Dito ka na!" Bumangon ako at hinila siya.

"Dun ka na, matulog ka na" sabi pa niya at tinabig ang kamay ko, tsaka nagtago sa kumot.

Pero hindi parin ako umaalis.

"Baby, sige na" linambingan ko na yan ah para pumayag na.

Nagtatampo ba'to kasi inaasar ko siya? Hays.

"Babe please, tabi na tayo" nakaluhod na ako sa sofa at pilit sinisilip ang mukha niya.

Bigla niya naman ibinaba ang kumot ngunit yung mga mata niya lang ang nakikita.

"Sigurado ka?" Tanong niya pa.

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ka maiilang?" Nakatago parin nitong tanong.

"Bakit naman? Kaninang hapon nga humiga ka pa sa kama ko at natulog tapos hinila mo'ko, tapos ngayon gaganyan ka?" Singhal ko pa.

"Malikot akong matulog" pahina ng pahina ang boses niya.

Natawa ako bahagya.

"Okay lang yun, malaki yung kama mo, hindi mo naman siguro ako ihuhulog diyan diba?"

"Hindi ah! Baka isipin mo ang sama ko" sabi niya at tumayo, kinuha ang comforter at unan tsaka patalong humiga.

Sumunod naman ako sakanya.

Mas umusog pa ako sakanya at tuluyan siyang yinakap.

"Pwede ba kitang mayakap?"

"Nakayakap ka na nga eh" sagot niya pa kaya nakatanggap ito ng palo.

" Yeah sure, kahit magdamag o kahit saan oa yan" nakangiti niyang sabi at yinakap din ako.

Sana ay hindi bilang kaibigan ang ipinapahiwatig mo sa akin Rainlegh.

Ngumiti ako ng mapait sakanya at nag iwas ng tingin.

"What's wrong?" Takang tanong niya.

"Ah wala, namimiss ko lang yung parents ko" pagdadahilan ko pa.

Mas humigpit ang yakap niya.

"Dont be sad, Im here always baby"

Baby...

Nakangiti kong ipinikit ang mga mata at dinadamdam ang mainit at mahigpit niyang yakap.

"Goodnight Rainlegh, I love you" nakapikit kong sambit. Hindi ako mahihiyang sabihing mahal kita Rainlegh.

"Goodnight" kapagkuwan ay sagot niya at hinahagod ang buhok ko.

Hindi mo parin ako matugunan sa tatlong salita, baby. Pero sana ay mahalin mo din ako.

Malungkot akong ngumiti at nagpalamon sa antok.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 08, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Forbidden LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang