Nuybi

0 0 0
                                    

Simula kanina ay hindi parin mawaglit sa isipan ko.

Parang nagkagusto agad ako sakanya. Hindi niyo naman ako masisisi diba? Tao din ako,nagkakagusto, makasalanan nga lang.

Naramdaman ko lang na ayokong umiiyak siya, ayokong nasasaktan siya, gusto ko siyang alagaan na parang gusto kong sumaya siya with me. Maganda siya makitungo kaya hindi malabo na magkagusto sakanya.

Gusto lang naman eh, hindi naman mahal.

"Gusto mo na si Ravyn? Hahah sabi ko na eh" and yes sinabi ko sa tropa kong si Sam.

"Gusto lang naman. I mean I like her, not love her" irap ko sakanya.

"Lahat nag sisimula sa like, Rain" nakangising aniya.

"Im not like you" nakangisi ko ding sabi.

"Ulul, kasalanan bang magmahal?" Tanong niya pa. Kaya napangisi ako tsaka napailing.

Bakit ba kasi umibig siya sa bestfriend niya din diba? Hahaha.

Actually, Sam is not like us.
She's straight, mas gusto niya lang talagang sa amin bumarkada.

"So, paano na yan? Totohanin mo na ba?" Tanong niya pa.

"Wait, what?!"

"Anong totohanin?"

"Yung panliligaw"

"She actually said yes" kalmado kong sagot.

"Seryoso?! Kailan pa?" Gulat na tanong nito.

"Nuong Intrams"

"Seriously? Ang dali naman sumagot one week ka pa lang nanliligaw ah" manghang tugon niya.

"Actually hindi naman talaga mismo sa akin, pero sapat naman diba nung may nagtanong sa amin na kami na ba tas sinagot niya naman ng oo, kaya yun na yun" tamad kong pag amin.

"Grabe! Iba ka bai!" Umiling lang ako sa panunukso ni Sam.

"Uwi na ako Rain, mag gagabi na baka pauwi na din parents mo" pagpapaalam ni Sam, kaninang umaga pa siya dito and ngayon alas tres na.

"Okay. Thank you for today" pagpapaalam ko din.

Nagpaalaman pa kami ng kaunti bago siya umuwi.

"Hays" napabuntong hininga nalang ako.

Parang may kulang na ewan, hindi ako masaya ngayon.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok.

Agad ko itong binuksan ng mga magulang ko ang nasa likod.

"Mano po" pagmamano ko sa kanilang dalawa.

"Tapos na kaming magdinner, hindi na kami kakain" Tapos na? Kingina di pa nga ako kumakain eh!

"Hmm, o-okay" Sabagay wala silang pakialam sa akin.

"Labas lang muna ako" pagpapaalam ko and they didn't respond.

Kaya kinuha ko nalang ang wallet ko tapos lumabas na.

Takte! Sa'n ba ako pupunta?

Gutom na din ako eh kaya pumunta nalang ako ng Fastfood.

Ng makaorder ay umupo na ako sa pandalawahang mesa.

"Pwedeng makiupo?"

Napatigil ako sa pagkain at tiningnan ang nag salita. Tss. Its Mike. Again and again.

Sa laki ng mundo, palagi kaming pinagtatagpo. Nang aasar ka ba tadhana?

Nilibot ko ang tingin ko at sa kamalas malasan ay wala nga siyang maupuan,kahit gabi ay puno ang fastfood.

"Yeah sure" pagpayag ko.

Kumakain ako ng tahimik ng magsalita siya.

"How's your day?" Tanong nito.

"Its fine" simpleng tugon ko.

"Rainlegh, hiwalayan mo na siya. Or guess, isusumbong ko kayo kay Tita"  kaya napatingin ako sakanya.

"Sinong tinakot mo? Hindi ka nga gusto ni mama eh" sabay ngisi,nang aasar

"Well, tignan natin kung hindi parin niya ako magustuhan kapag nalaman niyang ang unica ija niya ay may jowang babae" malokong sambit niya.

"Tangina mo pala eh" kalmadong sabi ko ngunit mariin.

Nagulat naman siya pero sa huli ay natawa. Kalog.

Lumapit siya ng lumapit sa akin at

"Ka babae mong tao, ang palamura mo" duh, pakialam ko sayong unggoy ka.

"Ikaw nga ang dami mong babae, pinakialaman ba kita? Ha?" Maangas na aniya ko.

"Hakdog" pagtatapos ko pa.

Naging seryoso naman siya kaya tumahimik na ako at tinapos na ang pagkain. Pagkatapos nun ay tumayo na ako para umuwi.

"Sa ulit nating pagkikita,asahan mo ako na ang mahal mo" kaya napatigil ako sa pagtayo at tumingin sa mata niya.

"Sa ulit nating pagkikita,asahan mo bungo na yang panga mo" mahina ngunit matigas kong aniya.

Lumabas na ako at naglakad pauwi.

Gagong lalaking yun. Porket naka MU lang ako ganun na mag salita! Pwe!

Napatigil ako sa paglalakad ng nakakita ako ng stall ng burger,naisip ko si Ravyn kaya napangiti ako. Nasabi niya sa akin na gusto niya ang burger kaya bumili ako ng isang order.

Naglakad na ako ulit at napahinto sa tapat ng bahay nila.

Chinat ko siya na nasa labas ako ng bahay nila.

"Seryoso?! Ginagawa mo jan?" Reply niya.

"May dala akong burger" reply ko dito.

"Luh waaah! My fav! Wait. Pababa na" ng mabasa ko yun ay bumukas din ang pinto at linuwal siya.

"Gabi na ah!" Sambit pa nito.

Inabot ko sakanya ang burger,ng akmang kukunin nya na ay linayo ko ito. Kaya napasimangot siya.

"Hug mo muna ako" pang aasar ko na hindi ko inexpect na kakagat siya.

She hugged me, so tight. Parang gumaan ang pakiramdam ko, kaya I hugged her back.

And there, binigay ko na ang burger.

"Yey! Thank you!" Parang batang aniya.

"Gabi na ah, nag abala ka pa" ngutngut niya pa.

" Sa labas ako nag dinner tas napadaan ako sa stall ng burger kaya binili kita" pagpapaliwanag ko.

"Yii, ang sweet mo ah" panunukso niya pa.

Tumawa lang ako.

"Uuwi na ako, sabay tayo bukas ah. First day mo pa naman sa morning. See you, and goodnight" pagpapaalam ko.

"Goodnight din, see you. I love you! Ingat ka!" Sambit pa nito na siyang ikinatango ko.

"Uwi na ako" pagpapaalam ko at tumalikod na.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now