Dyes

0 0 0
                                    

Today, may out of the town meeting ang parents ko at sinama nila ako. Not the first time na sinama pero first time kung pumunta sa Palawan. And of course para din kamustahin ang mga kamag anak namin dun.

Sa nagdaang araw ay naging mas komportable kami sa isa't-isa ni Ravyn, gustuhin ko mang isama siya pero, I know her parents won't let her. Kasi mas importante yung pag-aaral kaysa sa lakwatsa. Kaya siguro sa susunod nalang.

Kahit hindi kami nagkikita ay may communication parin kami. Magkachat kami palagi o di kaya magkatext at magkatawag.

As the plane lands. Inayos ko na din ang sarili ko.

Nang makababa kami sa eroplano ay tiningnan ako ng mama ko ng masama. Sinuyod niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kesyo daw hindi daw bihis babae.

Flashbacks*

"Rainlegh, anong suot ba yan?"reklamo sa akin ng mama ko.

"Magpalit ka nga, yung desente kang tingnan, wear something decent!" Singhal nito.

Kaya napilitan na naman akong maghalungkay sa cabinet.

Ano ba kasing problema sa Maroon short na hanggang tuhod tapos white t-shirt? Tss.

"Ito na ma!" Ng makalabas ako ay tiningnan nya na naman ako ng masama.

" Black Pants?, Loose maroon shirt?, White rubber shoes?, Babae ka pa ba nyan?" Reklamo niya na naman.

"Bahala ka ngang bata ka!" Singhal nito kaya ngiting tagumpay ako.

*****

"Kahit kailan hindi ka talaga nag mukhang babae, psh" natawa naman ang papa ko at nauna na silang naglakad.

Sinuyod ko din ang kasuotan ko at nagkibit balikat at tiningnan ang secretary ni mama, natawa naman ito at naglakad na kami.

Hawak hawak ko ang camera ko at nasa bulsa ko naman yung phone. Sobrang ganda ng isla, fresh air at hindi kasing polluted. Parang gusto kong dito magkabahay ah.

"Rainlegh, ihahatid ka namin sa bahay ng lola mo, tapos didiretso na kami sa meeting." Seryosong saad ni mama.

Tumango lang ako.

"And, wag matigas ang ulo, dun tayo mag stastay for 3 days, be a good girl." Seryosong aniya ng papa ko.

"Kahit hindi ka mukhang at kilos babae,hmmp" singit na naman ni mama.

Kaya napangisi naman si papa at ang secretary nito.

Sa isang van ay si Mama at Papa lang ang nandun tapos dito sa van na'to ang kasama ko ay ang secretary nila tsaka driver at mga bagahe.

"Ms. Rainlegh, may jowa ka na ba?" Napalingon ako sa Secretary na kasama ko. Magaan ang loob ko sakanya pero ni minsan hindi kami nag uusap, ngayon lang.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Uhm yes" nahihiyang sagot ko.

Nakita ko naman siyang nagulat. For what?

"A-ah okay po"

"Ba't mo na tanong?" Diretsong tanong ko dito.

"Ah wala po, palagi ka kasing kinukwento ng anak ko, may gusto sainyo yun" magiliw na tugon nito kaya napalingon ako sakanya.

"Really? Bakit niya ako nagustuhan?"

"Ewan ko po, basta bukambibig ka niya palagi, sa kwarto niya nga may picture ka dun, para siyang fan boy na baliw na baliw sa idol niya" para bang nag iimagine na sambit pa nito.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now