Onsi

0 0 0
                                    

" Oh, may girlfriend ka na ba?" B-bakit girlfriend pa yung tinanong? Aish.

Hindi agad ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa mga mata niya.

What the heck. Paano na to? Sht. Di ko pa na uupdate si Ravyn!

Napatawa naman si Lola at tinap ang ulo ko.

"Wag kang mahiyang magsabi apo, hindi kita huhusgahan" sinserong aniya nito kaya napabuntong hininga nalang ako.

"O-opo" nakayuko kong sagot.

"Lola naman, bakit girlfriend pa yung tinanong niyo?" tanong ko pa dito na nagpatawa sakanya.

"Kasi alam kong hindi ka nagbago, at hindi ako maniniwalang makakatagal ka sa isang lalaki" and she smirked. Holy God.

"So? What's her name?, Saan siya nakatira?, Ilang years na kayo?" Sabay sabay na tanong ni Lola.

"Teka nga lola, hindi ka galit?" Takang tanong ko. Her smile makes me melt.

"Apo, hindi. Be yourself, hindi naman kita masisisi na nagmahal ka ng kapwa mo. Its your choice, and happiness is a choice" sinseryong saad nito.

May naramdaman akong likido sa gilid ng mata ko. Is this tears? T-tears of joy?

Hindi ko mapigilang mapayakap kay Lola. How lucky I am to have her.

"Actually Lola, hindi ko po siya girlfriend na linigawan ko dahil gusto ko" nahihiyang pag amin ko dito.

Nagtataka naman itong tumitig sa akin ngunit parang sinasabi ng kanyang mata na magpatuloy ako.

"It was just a dare" nakayuko kong pag amin muli.

Narinig kong bumuntong hininga siya. Hays

"Apo, hindi dapat pinaglalaruan ang damdamin ng tao. Alam mo yan, dont make such decision that make you regret in the end. Be good girl" seryosong saad nito.

"Kung hindi mo siya gusto, then break with her" pagpapatuloy nito.

"I like her Lola" diretso kung sabi.

Ngumiti naman sa akin si Lola.

"But I dont love her. She always telling me that she loves me, but I think I didn't feel the same way" pahina ng pahina ang tinig ko na para bang may hindi ako gustong makarinig kundi kami lang.

"Nagsisimula sa friends apo, wag mong madaliin ang sarili mo" nakangiti nitong saad sa akin nung nag-angat ako ng tingin.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Dont make decisions that will make you regret someday"

"I wanna know her. Dalhin mo siya dito" napalingon ako nung sinabi niya sa akin iyon.

"P-po?" I can't believe it!

"Just enjoy your life apo" sinsero nitong ani.

"So what's her name?"

"Ravyn"

"Ravyn?"

"Ravyn Marisse Mendoza"

"Oh, nice name" nakangiting ani ni Lola

"I want to meet her, in Sunday"

"P-po?! Agad agad?" Gulat kong tanong. Eh thursday nga kami uuwi, tas wala naman siya dito.

"I want to meet her. That's an order, Rainlegh" paksit! Ginamit niya yung authority niya.

God! Sana nga payagan yun! Aish.

Hanggang sa nakalabas na si Lola sa kwarto ay hindi ko na mawala sa isip yun.

Paano na to? Hindi ko pa nabibigo si lola, kaya alam kong malaking disappoinment sakanya kung hindi ko siya maipapakilala.

So I hurried texted Ravyn.

"Gusto kang ma meet ni Lola, sunduin kita?" Laman ng text ko. Nag hintay pa ako ng ilang minuto.

One week akong absent! Ano ba yan?!

"Huh? Diba nasa Palawan ka? Paano mo naman ako ipapakilala?" Reply niya.

"Susunduin kita. Magpaalam ka sa parents mo, sabihin mo birthday ko tapos dito icecelebrate, tas hindi ka naman gagastos. Ang dadalhin mo lang ay ang sarili mo at kailangan mong isuot or whatever, ako na bahala sa lahat" reply ko dito.

"Pero sige susubukan ko" reply niya.

Nagpakawala naman ako ng isang malakas na buntong hininga, I felt relieved.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now