Kwatro

1 0 0
                                    

" Magkita nalang tayo sa harap ng simbahan" I chatted her.

It's 9:40 am. Kakagising ko lang at kailangan ko pang maglaba ng uniform ko.

Bumaba na ako at nag almusal.

"How's school?" Tanong sa akin ng Papa ko.

"Everything's okay" simpleng tugon ko.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka napapariwara, dahil hinding hindi kita ituturing na anak" he exclaimed.

Sa bagay, palagi naman siyang ganyan eh, kahit anong taas ng grades ko, kahit anong gawin ko,parang wala parin sakanya, parang nasa paa niya parin ako. Mga mali ko lang ang nakikita niya, ni minsan ay hindi ko siya narinig na tumawag sa akin ng anak. Ewan ko ba, bakit parang ang laki ng kasalanan ko sakanya, na para bang hiniling niya na sana ay hindi nalang ako dumating sa pamilya. But they have no choice, nandito na ako eh. At wala din akong choice, ako yung naging anak nila eh. Anak na hindi ginusto.

Bumuntong hininga lang ako at tinapos ang almusal.

After that, naglinis ako ng kwarto at naglaba ng mga labahin ko, para lang akong naka boarding dito, tanging sarili ko lang ang naasahan dahil madalang din nila akong pansinin.

Pagkatapos ko sa lahat ng gagawin ay umidlip muna ako. 4:05 pm pa naman kaya may oras pa para magpahinga.

Sinet ko muna ang alarm ko sa 6:00pm para hindi ako malate sa mass.

When my alarm ring, nagising agad ako. Himala HAHAHA

Naligo na ako at naghanda para sa mass.

Simpleng black pants,red tshirt at white sneakers shoes lang yung suot ko. Dinala ko din yung bag kong kulay itim kasi hindi ako comfortable kapag walang bag sa likod.

After a couple of minutes tapos na ako.

Nandito na ako sa Simbahan at hinihintay siya. Hindi naman nag chat eh.

"Sorry late ako" napatingin ako sa babaeng nagsalita.

Ang ganda niya ngayon. She's wearing a pink off shoulder floral dress na hanggang tuhod. May dala siyang sling bag and nakaheels,hindi naman kataasan pero sapat na para magpantay kami.

"You look beautiful" sambit ko pa ng may pagka mangha.

"Sus ako pa" she smiled.

"Charot" She added. Kaya natawa nalang din ako.

Umupo kami sa pinakahuling upuan ng simbahan, hindi naman madaming tao dahil last mass na din.

"So? Saan tayo pagkatapos?" Tanong niya.

"Pwede na ba sayo yung street foods? Malayo layo yung mga mall tsaka baka sirado na din. Bawal akong gabihin masyado" paliwanag ko sakanya.

"Anything will do, as long as Im with you" and she wink.

Napamaang naman ako. Banatan ganun? Tsk

I just smiled at tumango kasi mag uumpisa na ang mass.

When the mass ended.

"In the name of the father,of the son, of the holy spirit"

"Amen" we said in chorus.

"Lets go?" Pag aaya ko sakanya sa labas.

Tumango lang ito at sumunod.

"Makadiyos ka pala, bakit mo naisipang ligawan ako?" Tanong niya at halos mabilaukan ako. Kung alam mo lang.

I just smiled.

Kaya nag iba siya ng topic.

"Gusto kita nuong unang araw na lumapat yung paningin mo sa akin" pag amin niya at yumuko ito.

Nanatili parin akong nakikinig.

"Ewan, bigla nalang tumibok yung puso ko at hindi ka na mawala sa isip ko" woah? How was that?

"Sabi ko sa sarili ko na, magpapaligaw ako sayo hahah, kung hindi mo ako liligawan ako mismo ang manliligaw sayo" matapang na sabi niya.

What a strong girl.

"Kaya hindi ko inexpect na liligawan mo talaga ako"

"Kung hindi gagayumahin kita" sabay tingin sa mata ko kaya nabilaukan na talaga ako.

Nataranta naman siya at kinuha ang water bottle sa tabi niya at inabot sa akin.

"Gagawin mo yun?" Tanong ko pa. Malupet ah!

"Oo" seryoso nitong sambit.

Kaya napalunok ako.

"Syempre joke lang" at dun na siya tumawa ng malakas.

Naughty girl.

Mahaba haba pang kwentuhan ang naganap ng mapag desisyunan naming umuwi na, napag alaman kong nasa iisang eskinita lang pala kami kaya hinatid ko na din siya.

"Goodnight. Bye" pagpapaalam ko sakanya

Tumango lang siya kaya tumalikod na ako.

"Wait"

"Hmm?"

"Goodnight din, ingat ka"

Tumango lang ako

"Tsaka sabay tayo sa Intrams ah, kita tayo dun" dagdag niya pa.

"Okay. See you tomorrow"

"See you"

Kaya tumalikod na ako para umuwi.

Next week pa naman ang intrams kaya okay lang.

In the other day ay naging busy ang lahat for upcoming Intramurals, kaya madalang kaming magkasamang magtotropa.

"Sam,paki pass naman itong English ko oh, may kailangan pa akong kunin sa Faculty, baka hindi ko na maabutan si Sir. Thank you" mabilis na sabi ko at lakad takbo na ang ginawa ko makaabot lang sa Faculty Room dahil pinapatawag daw ako ng adviser namin.

"Ano po yun Maam?" Tanong ko ng makarating ako sa Faculty Room.

"Gusto ko lang malaman kung okay na ba ang Dance Troupe, are you ready for tomorrow?" Bukas na ang Intramurals kaya ganun siya mag tanong.

"Uhm, opo. Eni enhance na lang po"

"Good, pakilagay ito sa room and please linisin niyo ang room" utos nito kaya tumungo na ulit ako sa room.

"Guys, wala tayong ibang gagawin kundi ang linisin ang room, so let's start!" And dun nag kanya kanyang linis na kami.

"Mhariko, linisan niyo yung Cr. Isama mo yung Kambal" utos ko sakanila

"What? No way!" Angal nito.

"Si Hannah nalang" connect niya kay Hannah.

"Ayoko nga! Ikaw yung inutusan" saad pa ni Hannah.

"You know you can't do anything Mhariko" I smirked.

"Argh! I hate you President!" Singhal niya dito.

"I hate you too"

"Lets go, Kambal mukha!" Pag aaya niya sa Kambal.

"Ang busy nyo ah" napalingon ako sa pintuan ng may magsalita.

"Ang aga mo ata?, Its just 9:00 in the morning" its Ravyn kaya nagtaka ako.

"Well yeah, kailangan din namin tumulong" pagpapaliwanag niya kaya tumango na lang ako.

"So? See you if I see you but see you tomorrow!" Pagtatapos niya at umalis na.

Napailing nalang ako.

She's comfortable with. And sa pagchachat namin ay mas naging comfortable kami sa isa't-isa.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now