Otso

0 0 0
                                    

"Gusto kita"

Para bang tumigil ang ikot ng mundo nung sabihin ni Rainlegh iyon.

Gusto niya ako? Totoo na ba ito?

I can't believe it.

Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha.

"A-are you s-sure?" Nauutal na tanong ko.

"Yeah" diretso at buong tinig na sagot nito.

Napasimangot naman ako kaya kumunot ang nuo niya. Ang cute.

"What's wrong? Ayaw mo bang magustuhan kita?" Tanong niya. Napatawa naman ako, yun nga hinihintay ko eh.

"Baka ginusto mo lang ako kasi naaawa ka" simangot ko sakanya.

Napatawa naman siya. Hmmp

"Hmm maybe" parang nag iisip na sabi niya. Napamaang naman ako, hearbreaker ata to eh!

Yumuko ako. Ngunit tumawa naman siya at tinap ang ulo ko, kaya napatingin ako sakanya.

"Kidding aside. Gusto kita, totoo." Hinihintay ko ang ibang sasabihin niya.

"Nagustuhan kita hindi dahil umiyak ka, sino bang magkakagusto sa babaeng iiyak?" Kaya napasimangot na naman ako. Tatanda ako dito eh!

Tumawa na naman, masayang masaya siya kapag inaasar ako. Tsk.

"Gusto kita,bilang ikaw hindi dahil sa umiyak ka" sinserong sabi nito.

"Talaga?"

"Yeah"

"Totoo?"

"Yeah"

"Sure?" Napasinghap naman siya at nag salita

"Yeah"

"Totoo na yan?"

"Oo nga, paulit ulit nalang tayo eh" naiinis na. Ayaw na ayaw niya yung inuulit ulit. Naiirita.

Tumawa naman ako sa inasta niya.

"I love you" malambing na sabi ko.

"W-what?" Gulat na tanong nito.

"H-ha?" Ano ba sinabi ko?

"Hakdog" argh, nabara na naman ko.

"Did you just say I-I love y-you to me?" Turo niya sa sarili niya.

Sus yun lang pala- w-what?! Did I just say it? Kahit ako nagulat sa sinabi ko kuno. Kingina! Kahiya.

She just chuckled

"I like you too" ginulo niya naman ang buhok ko at hinalikan ako sa nuo. Damn Rainlegh Denniz Savaedra mahal na ata kita.

Masaya ako sa araw na yun dahil ultimate confession yun. Ang saya niya kasama kahit nakakaasar. Inaalagaan niya ako, minsan ako din inaalagaan ko siya. Hindi siya sweet kaya ako lang yung sweet. Buong maghapon kaming mag kasama. Todo ngiti ako kapag may nanunukso sa amin, kaya hinahawakan ko kamay niya. Sobrang busy niya pero she make time for me. Kung naging lalaki to, ideal man ko to.

"Gutom ka na?" Tanong niya sa akin

"Hindi pa naman" sambit ko ngunit kanina pa ako gutom kahit nag mall kami ng mga kaibigan ko.

"Sus, naririnig ko na tyan mo" tumatawang sabi niya kaya napamaang nalang ako. Aish!

Kumain kami ng streetfoods dahil pauwi naman kami. Mas malapit yung bahay namin kesa sakanila kaya ako yung unang makakauwi sa bahay.

"So paano? Salamat sa araw na ito babe" panunukso ko dito

Natawa naman ito. "Oh sige na, magpahinga ka na. Tas matulog ka na"

"Hmm okay"

"Uuwi na ako,bye" paalam niya. Tumalikod na siya ng tawagin ko.

"Hmm?"

" Mag ingat ka ah" lumapit ako sakanya at yumakap.

Tinap tap niya yung likod ko kaya napangiti ako.

"Sige na. I have to go. Goodnight" nagulat ako nung hinalikan niya ulit ang nuo ko. Nakangiti siyang tumalikod sa akin kaya tumalikod na din ako at pumasok sa bahay.

Bakit ba ang lakas ng tama ko dun? Lord, sorry po sa kasalanan ko. Huhu.

Nung pumasok ako sa bahay ay nag titili ako kaya nagulat yung mama ko na nasa sala pala.

"Bakit ka sumisigaw?!" Tarantang sabi ni mama

"Ay mano po, andyan po pala kayo, wala lang po yun may ipis lang, hehe. Sa kwarto na po ako ma, goodnight" paalam ko at umakyat.

Pagkapasok ko sa kwarto ay sa unan ko binuhos ang kilig ko.

Ang ganda ng araw na to.

Hindi na ako nakakain dahil sa kakaisip at halos hindi na ako nakatulog.

Grabe ang lakas ng tama ko sayo Rainlegh Denniz Savaedra

I love you!

Naramdaman ko lang na mahal kita.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now