Tres

3 0 0
                                    

Sa nagdaang isang linggo ay naging busy ang lahat. Hindi naman gaano pero madaming ginagawa this time, compared last week.

May na close din akong iba and tropa ko na sila.

Sam, Zen, Hannah, Mhariko, Jean, and Joan, sila ang mga classmates ko and dahil sakanila nakilala ko din sina Hazel, Nicole, Mesha and Nikka.

They are from the other grade level.

Hindi ko na nakakasama pa sina Angel at Lil pero nagpapansinan naman kami, okay kami pero hindi lahat ng oras ay kaming tatlo yung magkakasama. Basta, matured friends can understand.

"Wala bang tambay dyan? Grabe yung pagod this week ah" pagrereklamo ni Sam.

Sumang ayon naman ang lahat.

"Jean and Joan, beke nemen" paparinig kay Mhariko sa kambal.

"We know right!" Sabay na sambit ng dalawa kaya agad nagplano para mamayang gabi.

Pagkatapos nun ay umuwi na kami para mag handa.

"Rain, sabay na tayo!" Nagulat ako nung nasa pintuan na ng bahay namin si Sam.

Mukha talaga itong bulati, hindi mo inaasahang susulpot.

Tumango lang ako at nagpaalam na sa parents ko, strict yung parents ko pero once in a blue moon lang naman ako gumala,kaya pinayagan din ako.

Habang naglalakad kami ay nagchat sa akin si Ravyn.

" Pwede bang sumabay mag simba sa Sunday?"

"Yeah,sure" reply ko.

"Oh sige, see you"

"See you"

"Wait, may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Yeah, sa bahay ng kaibigan ko"

"Bakit daw?"

"Anong bakit?" Tanong ko din dito.

"Ah wala, ingat"

"Ikaw din" and nag off na ako.

" Oy! May ka chat, sino yan?" Inagaw ni Sam yung phone ko at huli na nung matago ko yun.

"Just a friend" simpleng sagot ko.

"Ravyn Marisse Mendoza" basa niya sa pangalan.

"Ay taray! Softball to ah!" Manghang tugon niya.

Tumango lang ako

"Lakas talaga ng karisma ng isang Rainlegh, nadali sopbol" sabay tawa

Kaya binatukan ko siya.

"Ulul!"

Nang makarating kami sa bahay ng kambal ay ikwenento niya kung ano yung nalaman niya.

"Iba itong kaibigan nating si Rainlegh Denniz Savaedra, nangangamoy love life eh" akbay pa sakin ni Sam.

"Tss. Kaibigan ko lang yun!" Sabi ko pa

"Anong pangalan Sam?" Tanong ni Hannah na nakahanda na ang cellphone sa kamay.

"Ravyn Marisse Mendoza, search mo dali" at nagkumpulan sila sa tabi ni Hannah.

"Aray ano ba yan!

"Huy Joan, dun ka nga,ang sakit ng kamay ko!"

"Ano ba Sam! Akin na yang phone ko!"

"Zenna, yung paa ko inapakan mo!"

Napatawa nalang ako sa mga reklamo nila dahil nga sa pagka marupok, ano bang meron diba?

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now