RED TAPE 3

3.9K 123 33
                                    

CHAPTER 3

Let's Be Colorful


HINANG-HINA na nang mga oras na iyon si Leslie na halos hindi na niya kaya pang tumakbo upang iligtas ang kanyang sarili. Nagkandabali-bali na rin ang kanyang buto sa katawan kaya kahit ano pang lakas ang ibigay niya ay hindi na niya magagawa pang makatayo.

"Dito na magtatapos ang lahat, Leslie. Kung naging mabuti ka lang sana. Kung tumupad ka lang sana sa usapan. Hindi sana mangyayari sa 'yo 'to. Iyan tuloy ang napala mo," saad nito saka dinuraan ang kaawa-awang katawan ni Leslie.

Hindi na niya maimulat nag maayos ang kanyang mga mata at tanging kadiliman lang naman ang kanyang nakikita. Pilit ni Leslie inaabot ang damit nito upang makakapit at magsilbing haligi niya upang makatayo. Ngunit agad namang sinipa nito ang mga kamay ni Leslie na dumadampi sa kanyang pantalon na suot.

"Balak mo pa 'ata dumihan ang suot ko!" bulyaw nito kay Leslie. Sinipa nito nang napakalakas sa tiyan si Leslie nang paulit-ulit dahilan para magsilabasan ang mas maraming dugo mula sa kanyang bibig.

Nagmamanhid na ang katawan ni Leslie dahil sa pananakit na natatanggap. Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat mayamaya lang. Mistulang baboy na pinapahirapan muna si Leslie bago katayin. Hinahampas nang paulit-ulit hanggang sa mismong ang katawan na nito ang sumuko. Gano'n ang sitwasyon niya ngayon. Isang baboy.

Ibinuka ni Leslie ang kanyang bibig upang makapagsalita habang patuloy lang sa pagdaloy ang dugo mula sa kanya. Inilapit naman nito ang kanyang ulo upang mas mapakinggan nang mabuti ang sasabihin ng ginang.

"M-magbabayad k-ka..." mahina niyang sabi at saka bumulwak ang naipong dugo sa kanyang bibig.

Iritable naman nitong ipinahid ang kanyang palad sa mukha dahil sa malansang dugo ni Leslie. Malakas nitong sinipa sa tiyan si Leslie na halos bumali sa mga buto niya sa katawan. Nanginginig naman na tumilapon ang ginang dahil sa natanggap na sipa.

"Naaaksaya ang oras ko sa 'yo! Mas maigi pa 'atang patayin na kita." Kinuha ng lalaki ang bag na naglalaman ng make-up ni Leslie. Binuksan nito ang bag at ikinalat sa tabi ni Leslie ang nagkalat na make-up. "Hindi naman maganda kung ang isang katulad mong make-up artist ay pangit kapag namatay, 'di ba?"

Ibinuhos nito sa mukha ni Leslie ang isang boteng Avon Powder dahilan upang maghalo ang dugo niya sa pulbo. Nagmistulan namang strawberry jam ang naghalong dugo at pulbo dahil sa lapot nito. Halos maubusan naman siya ng hininga dahil sa kakaubo.

"Ang ganda pala ng effect. Ayusin pa natin," at saka natatawa dahil sa obra.

Isinunod naman nito ang concealer at piniga sa nakabukang bibig ni Leslie. Hindi niya magawang pigilan ang ginagawa nito dahil sa nanghihina na niyang mga kamay. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha sa mata dahil sa awa sa sarili.

Halos mangislap naman ang mga mata nito nang makakita ng isang lapis na eyeliner. Mariin nitong tinitigan ang matulis na dulo ng lapis habang nakangisi.

"Masubukan nga 'to," saad nito sa sarili. Inilapat naman nito ang lapis sa mga talukap ni Leslie at sinumulan na ang pagguguhit. "Huwag kang malikot, ah. Baka tumusok 'to sa mata mo." Pero mistulang sinasadya ng lalaki nang bigla nitong matusok ang kaliwang mata ni Leslie. Doon lamang ulit siya nakakilos dahil sa reaksyon ng kanyang katawan sa sakit na nararamdaman.

"Aaaaaaahhhh!" sigaw niya dahil sa sakit. Umaapaw mula sa kanyang mata ang napakaraming dugo. Hindi niya magawang maalis ang lapis sa kanyang mata dahil sa pagkakabaon nito at sa sakit na maaaring idulot nito.

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin