33

300 24 3
                                    

〻❬ 3rd person's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Nagmamadaling pumasok ang dalaga sa loob ng Monteiro Nightclub upang puntahan si Chanyeol na sobrang lunod na sa kalasingan.

" Chanyeol, stop drinking that. Halika, iuuwi na kita. " Pinigilan ni Chaeyoung ang binata sa pag-inom ng alak kaya napatingin sa kaniya ito.

" Hindi ako lasing! Bitiwan mo 'ko. " Saad ng lalaki at tinabig niya ang pagkakahawak ni Chaeyoung sa kaniya.

" Ano ba Chanyeol? Bakit ka ba naglalasing? " Dahil sa tanong ni Chaeyoung ay napatingin ang binata sa kaniya. Napuno ng sakit at hinanakit ang mga mata ni Chanyeol nang tumingin siya kay Chaeyoung.

Nagulat naman si Chaeyoung ng biglang umiyak si Chanyeol. Patunay na lasing na nga talaga ang binata.

" D-Dara, nandito ka. Bumalik ka ba para s-sa 'kin? " biglang sinabi ni Chanyeol sa kaniya na ikinataka ni Chaeyoung.

" Noona, i missed you. Salamat at binalikan mo ako. " Biglang niyakap ni Chanyeol ang dalaga kaya nadoble ang pagkataka nito sa mga kilos ni Chanyeol.

" Iniwan mo ba ako dito para sa Modeling, o para magpakasal sa iba? Noona, hindi ko kaya. Wag kang lalayo sa 'kin. "

Hindi na lamang nagsalita si Chaeyoung at hinayaan niya ang binata na yakap yakap parin siya.

Dahil sa sobrang kalasingan, inakala ng binata na si Dara ang kausap niya. Ang ex niya na pumuntang america upang magpatuloy sa modeling pero ikinasal sa isang mayamang lalaki.

" S-Sige, ilabas mo pa yang sakit na nararamdaman mo. Andito lang ako. " Ani Chaeyoung at niyakap pabalik si Chanyeol. Pero deep inside, sobrang sakit na rin ng nararamdaman niya.

" Noona, mahal pa kita. Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin. Bakit ka pa bumalik? Nililito mo ako, noona. " sambit ulit ni Chanyeol at kumalas sa pagkayakap. Tinitigan niya ang mga mata ni Chaeyoung na akala niya ay si Dara.

Inilapit ng binata ang mukha niya kay Chaeyoung, palapit ng palapit ang mukha niya na para bang may balak siyang halikan ang dalaga. Sa kabilang banda, hindi makagalaw si Chaeyoung na para bang na estatwa.

Biglang pumikit si Chanyeol at nagulat si Chaeyoung nang bumagsak ang ulo ni Chanyeol sa balikat niya.

" Miss, anong nangyari? " isang lalaking matangkad at guwapo ang sumulpot at inalalayan si Chanyeol na tumayo.

" I'm Byun Baekhyun, ka-tropa ni Chanyeol. Sorry at na-abala ka pa ni Channie. " pag papakilala naman nito.

" A-Ah, I'm Park Chaeyoung. Okay lang 'yon. Ah sige, ikaw na ang bahala kay Chanyeol. " aalis na sana si Chaeyoung ngunit tinawag ulit siya ni Baekhyun.

" Chaeyoung? Teka miss, familiar ka. Ah nakukuwento ka nga sa 'min ni Chanyeol. Masaya ka raw kasama. Nga pala, may nasabi ba siya sayo ngayong lasing siya? "

" A-Ah, oo. Yung about ba kay Dara? Sabi niya, mahal niya pa raw yung Dara. S-Sige, aalis na ako. " ngumiti siya ng pilit at aalis na sana pero nagsalita muli si Baekhyun.

" Kung ikaw lang siguro ang una niyang nakilala, sa 'yo siguro siya mahuhulog. Pasensiya ka na miss Chaeyoung, narinig mo pa yung mga sinabi ni Chanyeol. "

" Okay lang yun, a-ano ka ba. Okay lang ako. "

" Hindi ka okay, halata sa mga mata mo na nasasaktan ka. Gusto mo si Chanyeol, hindi ba? "

" Oo, gusto ko siya. But after hearing everything, siyempre masakit. He still likes her. While here I am, assuming that our feelings are mutual. "

" Ayokong masaktan ka rin miss, kaya sana ay huwag ka nang mahulog pa sa kaniya. Oo tropa niya ako, pero ayokong may ibang taong masaktan. Salamat pala sa pagtulong kay Chanyeol miss, sana maging magkaibigan din tayo. " at ngumiti si Baekhyun kay Chaeyoung. Ngumiti din ng pilit si Chaeyoung at dali daling lumabas ng club pagkatapos mag paalam.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon