86

252 23 4
                                    

〻❬ 3rd person's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" Hyung, saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis— " pag-pigil ni Jungkook kay Jimin nang aalis sana ito sa upuan niya.

" I can't. Hindi ko kayang makita siya ulit, ang sakit pa din eh. " at tuluyang umalis na si Jimin sa upuan nito at pumunta sa back stage.

Sa kabilang banda naman ay katatapos lang ng speech ng Blackpink at pumunta na ang mga ito sa upuan nila. Pero si Chaeyoung, imbis na dumiretso sa upuan ay pumunta siya sa back stage. Nakita niya ang binatang matagal niya ng gustong makita na pumunta sa backstage kaya binalak niyang sundan ito.

" Huy Rosè, saan ka pupunta? " tanong ni Jisoo nang makita niyang sa ibang daan pupunta si Chaeyoung.

" Saglit lang ako unnie, mag c-cr lang. " at tumungo na ito sa back stage upang makita at makausap ang binata.

Nang mamataan na ni Chaeyoung si Jimin na pumasok sa isang kwarto sa backstage, ay sinundan niya ito.

Kumatok ang dalaga sa pinto, pero walang sumagot kaya pumasok nalang siya bigla sa kwarto.

Doon niya nakita si Jimin na nakayuko sa isang sulok.

Sinarado ni Chaeyoung ang pinto at lumapit ito mg kaunti sa kinaroroonan ni Jimin.

" Jimin, can we talk? " tanong ni Chaeyoung pero wala siyang natanggap na sagot sa binata.

" I'm sorry for what I've done. Sorry kasi iniwanan kita sa airport na yun pero hinabol mo ako. Kaya lang naman ako umalis kasi gusto kong makapag-isip isip muna. Siguro o.a lang talaga ako, okay lang naman sa'kin na ikaw si Jimin o si Jimboy eh. Nabasa ko na din yung mga message mo sa twitter, sorry kung hindi ko nabasa agad kasi ayoko munang makabasa ng messages ng kahit sino nung mga oras na yun— " naputol ang sinasabi ni Chaeyoung nang magsalita si Jimin.

" Bakit ka pa bumalik Chaeyoung? Sana hindi ka nalang bumalik. "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon