54

274 24 7
                                    

〻❬ p. jimin's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

I rushed to my room nang mabasa ko ang message ni Jeongyeon. Nag-bihis ako ng madalian, nag mask and cap agad ako at nag dm muna ako kay Chaeyoung sa twitter.

Nakita ako ni Taehyung na nanonood ng TV sa living room nang lumabas ako sa kwarto ko.

" Hyung, bakit ka naka ganyan? Saan ka pupunta— "

" May bibilhin lang, don't mind me, kaya ko ang sarili ko. Pag nagtanong sila hyung, sabihin mo na may binili lang ako. This is freaking urgent. I'll be back. "

" Pero, hyung— "

Lumabas na ako at— oh shit. Hindi pala ako marunong mag drive. Bahala na, naka mask at cap naman ako. Mag ta-taxi nalang ako.

After a few minutes, nakarating na ako sa airport. Mediyo madilim na ang kalangitan at parang nagbabadyang bumuhos ang ulan pero wala na akong pake dun. Kailangan kong mahabol at mahanap si Chaeyoung.

Mukha akong baliw na natakbo dito but I freaking don't care about anything, gusto ko lang makita si chae ngayon.

Pinigilan ako ng guard sa pagpasok, sinabi ko na may nakalimutan akong ibigay sa kaibigan ko sa loob so pinapasok na ako.

Nagtanong ako sa airline service desk about sa flight ni Chaeyoung.

" 10 minutes nalang po ang natitira kaya siguro ay papunta na po sa plane ang mga passengers. " sagot ng babae, nagpasalamat ako at umalis na kaagad dun.

Shit, saan ko siya hahanapin dito?

Nag message ulit ako sa kaniya sa twitter pero wala pa din.

I chatted Jeongyeon for Chaeyoung's number at binigay niya naman sa'kin pero sabi niya ay tinry niya na tawagan at itext si Chaeyoung pero hindi pa din daw nasagot.

I tried calling Chae but tama nga si Jeongyeon, kahit unknown number ay hindi niya sinasagot. Baka naka off na ang cellphone niya.

Inannounce na 8 minutes nalang ay kailangan ng mag take-off ng eroplano na sasakyan ni Chae.

Hindi ko pa rin siya mahanap hanggang ngayon. Mag gi-give up na sana ako nang may makita akong pamiliar na mukha.

Si Park Chaeyoung.

Nakita kong tapos na icheck ang passport niya at paalis na siya.

No, kailangan ko siyang mahabol.

" Chae! " Sigaw ko, may mga napatingin sa akin pero binaliwala ko iyon. Hindi parin siya tumitingin sa akin, hindi niya siguro ako naririnig.

" Chaeyoung! " this time, mas nilakasan ko at mas binilisan ko ang takbo kaya napatingin na si Chae sa akin.

Tumigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal na ako. Nakatingin lang sa akin si Chaeyoung, pero tumalikod siyang muli at nagsimulang maglakad palayo.

" No, Chae! Please, let's talk— " hinarang akong ng guard nang tinry ko pang lumapit muli sa kinaroroonan ni Chaeyoung.

" Sir, bawal po pumasok sa loob. At wag naman po sana kayo sumigaw, maraming pong naaabala"

Nagpumiglas ako at tumakbo muli papunta ka chaeyoung.

This time, dalawang guards na ang humarang sa akin.

" Sir, sorry po pero kailangan na po namin kayo ilabas dito sa airport. Nakaka- gulo po kayo sir, pasensiya na. "

" Bitiwan niyo ako! Kailangan ko siya, please. I won't let her leave me. Susundan ko siya, bitiwan niyo ako! "

Sigaw ako ng sigaw, I felt weak and helpless. Unti-unti na ding tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko nalang na iniwan na ako ng mga guards sa labas ng airport.

Para akong zombie sa lakad ko, parang wala na akong gana. Nasa labas na ako ng airport at naghihintay na may dumaang taxi. Habang natulo ang mga luha ko ay sumabay namang tumulo ang mga patak ng ambon sa akin. Hindi ako nag-hanap ng masisilungan, pagod na ako para gawin pa 'yun.

Lumakas lalo ang ulan at nababasa na ako. Hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

I'm too tired to check kung sino man yun, hindi naman taxi eh. Kaya yumuko nalang ako at tingnan ang basa kong sapatos.

Naramdaman kong may lumapit sa akin at naramdaman ko din na parang hindi na ako nababasa.

Napatingin ako sa taong may hawak ng payong na nasa harap ko.

" Yah oppa, bakit ka nagpapabasa sa ulan? Baka magkasakit ka, pumasok ka muna sa loob ng sasakyan. "

Oh, Yoo Jeongyeon.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon