88

240 25 7
                                    

〻❬ 3rd person's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" Ikaw ang gusto ko, hindi si Chanyeol. I think you misunderstood us, Jimin. "

Natulala ang binata sa sinabi ni Chaeyoung. Hindi siya makapaniwala, ang akala niya kasi ay si Chanyeol ang gusto ni Chaeyoung at parang sobrang close nung dalawa.

" Magkasama kami sa Singapore kasi nagkita kami dun. Nagpunta siya sa Singapore para hanapin si Dara, yung babaeng mahal niya. " dugtong pa ni Chaeyoung upang maliwanagan si Jimin. Napayuko naman si Jimin sa harap ng dalaga.

" Uhm, okay ka lang ba Jimin? " pagtatanong naman ni Chaeyoung dahil sa pag-aalala nito sa binata. Hinawakan niya ang mukha ng binata at inangat.

" I love you, Park Chaeyoung. " biglang sambit ni Jimin at hinawakan ang kamay ni Chaeyoung na nakahawak sa dalawang pisngi niya.

Inilapit ng binata ang mukha niya kay Chaeyoung na para bang hahalikan niya ito. Habang papalapit ang mukha ng binata ay nagsalita muna si Chaeyoung.

" I love you more, Jim— "

" Dito ko po nakita si Sir Jimin na pumasok, Sir Jungkook. " biglang napahiwalay ang dalawa sa isa't isa dahil sa boses na narinig nila mula sa labas ng silid.

" Sige salamat, miss. " at bago pa man maka-kilos si Jimin at Chaeyoung sa pagtatago ay bumukas na ang pinto. Bumungad duon si Jungkook na nagulat nang makita ang dalawa na magkasama sa iisang kwarto. Nasa likod naman nito ang staff na babae na hindi pa nakakaalis, at nagulat din sa nakita niya.

" U-Uhm, hello hyung at Chae. Sorry dahil hindi na ako kumatok, pero kasi ano si Jeongyeon— "

" Why, what happened? " sambit ni Jimin at napalitan ng pag-aalala ang nararamdaman nito.

" Na-aksidente siya habang nag-peperform. Na-sprain yata yung paa niya. " pagkasabing pagkasabi ni Jungkook ng nga salitang iyon ay nagmadaling lumabas si Jimin  papunta sa kinaroroonan ni Jeongyeon. Naiwan naman mag-isa si Chaeyoung sa kwarto.

" Uh, dito nalang po ba muna kayo ma'am? " tanong ng babaeng staff kay Chaeyoung. Para bang ang weird ng expression ng babae dahil sa nakita niyang magkasama si Jimin at Chaeyoung.

" S-Susunod nalang ako dun. Salamat. " ngumiti ng pilit si Chaeyoung at umalis na ang babae. Nag-aalala si Chaeyoung para kay Jeongyeon kaya binalak niyang puntahan ito maya-maya. Pero parang biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya sa hindi malamang dahilan.

" Bakit parang sobra naman siyang mag-alala kay Jeongyeon? Sobrang close na yata nila, dibale, okay lang yan Chaeyoung. Ikaw naman ang mahal niya. " sambit nito sa sarili at ngumit muli ng pilit tsaka umalis na sa silid na iyon.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon