45

248 26 3
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

I woke up early dahil sobrang excited na ako para sa fan meeting. Sheda, first time 'to hihihi.

Nag-suot na ako ng damit, nag pants and croptop shirt nalang ako. Simple pero dapat maganda pa rin, HAHAHA charot.

Naglagay din ako ng kaunting makeup. Pulbo tsaka light lipstick lang.

Gusto ko sana magbigay ng mga gamit sa kanila, well gumawa ako ng mga bracelets na may mga pangalan nila. Si Jimin, hmm oo ginawan ko din siya. Siyempre magmumukha namang unfair yun kung siya lang ang hindi ko bibigyan. 'Yan yung ginawa ko buong gabi kaya hindi talaga ako nag cellphone muna.

Naghanap din ako ng accessories sa drawer ko, pero may nakita akong panyo.

Ay hala teka, eto yung panyo na binigay sa'kin ni Jimboy ah? Hala hindi ko pa pala nalalabhan 'to. Sheda, nakalimutan ko.

Kinuha ko yung panyo at ewan ko sa sarili ko pero bigla akong napangiti na parang baliw habang nakangiti sa panyong 'to. Binuklat ko iyon at inamoy. Hala, mukha na akong baliw sa ginagawa ko.

Na-aamoy ko yung manly scent sa panyo kahit na naiyakan at nasipunan ko na 'to. Wow, amoy mayaman. I mean parang ang mahal nung pabango niya. Hmm, rich kid yata si Jimboy my bff. Tiningnan ko ang likod ng panyo at may nakita akong nakaburda sa panyo.

Wait, Jimin? Bakit pangalan ni Jimin ang nakaburda dito? Teka, baka naman merch 'to? Pero akala ko ba hater din si Jimboy ni Jimin? Ugh ewan ko, naguguluhan na rin ako.


Ewan ko ba sa sarili ko at sinama ko sa bag yung panyo ni Jimboy. Feeling ko kasi, sobrang special ng panyong 'to.

Tinaggal ko muna sa isipan ko yung mga panggulong thoughts at nagpunta na sa meeting place namin ni Jeongyeon. Siyempre sabay kaming pupunta dun sa fan meeting event. Ewan ko ba dun, marunong naman siya mag drive pero tinatamad daw siya gamitin yung kotse nila. She's too lazy to drive, hay nako. Kung marunong lang ako eh, hays.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon