98

226 22 5
                                    

〻❬ p. jimin's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Nang makalabas kami sa press conference room ay dinala ko si Jeongyeon sa hallway na walang tao.

" What the heck? Anong sinabi mo? We're dating? Jeongyeon, we're not dating so why did you— " nagpipigil lang ako ng galit nang banggitin ko yan sa harap niya pero naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.

" I like you, Jimin. Gusto kita kaya ko ginawa yun. "

What? She likes me?

" Oh, pero bakit kailangan mong sabihin na nag-dadate tayo? Mas lalo mo lang pinagulo ang lahat Jeongyeon! "

Bigla siyang tumawa ng sarkastiko.

" Pinagulo? Ah, inaalala mo si Chaeyoung? Akala ko ba kinalimutan mo na siya? Pwede bang ako naman Jimin? Kahit isang beses lang, iparamdam mo namang importante ako sayo. Puro ka nalang kasi Chaeyoung, nasasaktan din ako! " at nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Ako naman ay nag-panic sa kung ano ang dapat kong gawin. Niyakap ko nalang siya bilang comfort.

" I'm sorry, i'm really sorry. " sambit ko at patuloy parin siya sa pag-iyak pero niyakap niya na din ako pabalik.

" I'm sorry kung hindi ko mapapalitan ang pagmamahal na binibigay mo sa'kin. Chaeyoung is the girl that I love, i'm really sorry. " dugtong ko pa, napansin ko din na parang may dumaan sa bandang dulo ng hallway at para bang may tumakbo doon pero binalewala ko nalang iyon.

Bumitiw si Jeongyeon sa yakap at nagsalitang muli.

" Pero wala siyang laban, alam na ng lahat na nag-dadate tayo. I'm sorry, pero kailangan kong panindigan yung sinabi ko. Mahal kita Park Jimin at wala ka ng magagawa doon, gagawin ko ang mga gusto ko at ipagpalaban ko ang pagmamahal ko sayo. " at umalis na siya. Napatunganga ako, shit talaga. Sobrang gulo na ng mga nangyayari.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon