49

234 25 0
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Hindi ako makapagsalita. May namuong ideya na naman sa utak ko. Parang ang hirap tanggapin na siya si-

" Jimboy hyung- " bumukas muli ang pinto at pumasok sa loob si Jungkook. Gusto ko sanang mag-wala at tumili dahil nandito si Jungkook pero wala akong gana at hindi din nagana ang utak ko.

Teka tinawag niyang Jimboy si Jimin? Naguguluhan na ako.

" Oh- s-sorry. Hindi ko alam na nandito siya, hyung. " at yumuko si Jungkook. Sa kabilang banda, wala pa ding emosyon si Jimin.

" Magpaalam na muna tayo sa mga fans sa labas. Matatapos na ang event. " saad muli ni Jungkook at tumango naman si Jimin.

Mag-isa nalang ako dito sa kwarto. Ang gulo na ng isip ko. Parang bibigay na naman ang katawan ko.

So ibig sabihin, si Jimin at Jimboy ay iisang tao lang? Impossible, pero sa tingin ko ay totoo nga.

Hindi ko maisip kung paanong nangyari yun. Na si Jimin at si Jimboy ay iisa. Ang manhid ko lang yata siguro. Kaya pala balot na balot si Jimboy nung nag meet-up kami. Kaya pala parang ang familiar ng boses niya.

Pero bakit niya ako tinulungan kanina? Bakit ang bait niya sa'kin?

Lol, hindi ko maamin sa sarili ko kung nagkakaroon na ba ako ng feelings kay Jimboy. Natatakot kasi ako na masaktan ulit, at ito na nga. May nalaman na naman ako at hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Siguro dahil feeling ko ay naloko ako? Dahil hindi niya sinabi na siya pala si Jimin? Heck, ang babaw ko naman kung ganoon.

Hater niya ako, siguro hindi na masiyado ngayon. Kung tutuusin, dapat ay kamuhian niya din ako. Pero bakit ganoon siya sa'kin, bakit sobrang concern niya sa'kin kanina?

Hindi ko na kaya. Parang sasabog na ang utak ko. Gusto ko munang lumayo dito sa lugar na'to. Pagod na ako.

Ayoko din madamay sa mga issue sa paligid, lalo na't idol si Jimin na si Jimboy din pala.

Sorry pero kailangan ko munang lumayo sa ganitong klase ng problema. Ayokong harapin 'to dahil natatakot ako.

Bahala na, aalis na ako dito. Kailangan ko ng pahinga.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon