99

223 25 8
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" I'm sorry, I'm really sorry. "

Wow, what a sweet couple. Ang cute naman nilang dalawa. Yung babae na naiyak habang yung lalaki yung nag-cocomfort sa babae tapos magkayakap.

Napangiti ako nang mapait dahil sa na-alala kong yakap namin ni Jimin noong akala ko ay si Jimboy ito nung mga oras na nasaktan din ako dahil sa lintek na pag-ibig na yan.

Bakit napakasakit? Hindi ko alam kung maniniwala pa din ba ako kay Jimin, sabi niya pagka-tiwalaan ko daw siya at siya na ang bahala. Pero bakit parang mas lalong gumulo lang ang lahat?

Nagpunta ako dito sa press conference ng patago dahil gusto ko sanang makita si Jimin at nanood din ako ng patago sa presscon kanina, gusto ko na nga sanang umiyak sa sinabi ni Jeongyeon na nagda-date daw sila ni Jimin.

Nang matapos ang presscon ay sinundan ko silang dalawa at naabutan ko silang nag-uusap, nung time na ma-abutan ko sila dito ay naiyak na si Jeongyeon at niyakap pa siya ni Jimin. Punyemas ang sakit.

Naramdaman ko din na patulo na ang mga luha ko nang biglang may humila sa akin at tinakpan nito ang mga mata ko.

" Sinasaktan mo lang ang sarili mo, stop looking at them. Let's go. " bulong ng lalaking nag-takip sa mata ko. Hinila niya ulit ako at tumakbo kami paalis doon. Dinala ako ng lalaking 'to sa isang sulok sa labas ng press conference building. Tahimik dito at walang tao.

" You can now cry. Ilabas mo lang 'yang nararamdan mo, i'm here for you. " saad ng lalaki at inabutan ako ng tubig.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod na ako sa kaka-iyak. Ininom ko ang tubig na inabot ng lalaki.

Tumingin ako sa lalaki at ngumiti. Hindi ko inaasahan na siya pa ang tumulong sa akin at nag-pagaan ng nararamdaman ko.

" Salamat, Oppa Yoongi. "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon