85

241 21 3
                                    

〻❬ p. jimin's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Month of august na ngayon. Papunta na kami sa mnet dahil mag-peperform kami ng Fire doon. May ibang groups din na mag-peperform pero kami yata ang mauuna.

Nandito na kami sa mnet at kakatapos lang namin mag-perform. Ang hot ko talaga, hays. Joke lang, pero hot talaga ako hehe.

Lumipas na din ang ilang minuto ay nakapag-perform na din ang ibang grupo na kaka-release lang ng mga kanta nila. Nakita ko din ang Twice dito, mamaya pa siguro sila mag pe-perfom. Nag-kita na din kami ni Jeongyeon pero siyempre dapat formal lang kami sa isa't isa pag nasa public.

Katabi ko ngayon si Jungkook na parang excited manood, ewan ko ba dito. Ang alam ko kasi ay pagkatapos kong ibigay ang number nung Lalisa ay lagi ng nakatutok si Jungkook sa cellphone niya at parang laging may ka-text. Hay, binigyan ko yata siya ng lovelife, galing ko talaga. #MatchMaker

" Hoy, bakit ngiting ngiti ka diyan? Ang creepy ng ngiti mo, yuck. " sambit ko kaya naman ay napatingin si Jungkook sa akin.

" Hyung naman kasi, sila na ang susunod na mag pe-perform. " saad naman ni Jungkook na todo ngiti pa din.

" Ah, yung grupo ni Lisa? Nako, yan tayo eh. Pasalamat ka sa'kin at binigay ko ang number nun sayo. "

" Weh, edi thanks. " at inirapan niya ako. Nako dukutin ko mata mo diyan, joke.

Walang umimik sa amin ni Jungkook hanggang sa parang nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha, para bang bigla siyang may na-alala.

" N-Nga pala hyung, si ano kasi.. " biglang nagsalita ito at parang kabado.

" Si ano? Anong meron? " pagtataka ko naman, biglang naging weird kasi yung kilos nitong lalaking 'to.

" Si Chae— " naputol naman ang sinasabi ni Jungkook dahil biglang nag-announce ang MC.

" Let's all welcome Blackpink! The new debut group with their debut song Boombayah. " nagpalakpakan naman ang mga tao nang mag- simulang mag perform ang Blackpink.

Mediyo malapit kami sa stage kaya namukhaan ko agad si Lisa, hindi ko naman kilala yung ibang members kaya hindi ko ma-recognize kung sino-sino ba sila. Pero I admit, magaling sila at ang gaganda pa ng mga boses nila.

Tinuon ko ang pansin ko sa isang pamilyar na tao na miyembro ng Blackpink, parang sobrang familiar ng mukha niya pero hindi ko masyadong makita dahil parang lumalabo ang paningin ko.

Napatitig ako sa taong yun dahil sobrang familiar talaga niya hanggang sa matapos ang performance nila.

" Jungkook, siya ba yun? " sambit ko nang matitigan ko nang mabuti ang babae.

Sasagot na sana muli si Jungkook pero nagpakilala ang mga miyembro ng Blackpink.

" Annyeong, I'm Kim Jisoo! "

" Hi, Lalisa Manoban here! "

" I'm Kim Jennie, nice to meet you all. "

Na-tuon naman ang pansin ko sa babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Siya nga ba talaga yan?

" Hello, I'm Park Chaeyoung. "

Oh, siya nga. The woman that I loved is back.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon