55

245 22 6
                                    

〻❬ 3rd person's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" Stop the car. " saad ni Jimin nang mapadaan ang sasakyan sa isang exclusive bar.

" No oppa, hindi pwede. Ihahatid na kita sa dorm niyo— "

" I said stop the car! " inihinto ni Jeongyeon ang sasakyan nang sumigaw ang binata.

" Pero hindi ka pwedeng mag-inom, idol ka. Pag nalaman ng media yung ginawa mo ngayon sa airport ay lagot na, tapos magiinom ka pa? " paalala naman ng dalaga kay Jimin dahil nga isa itong idolo na maraming tagapag-hanga.

" Bakit? Pag ba malungkot ako, hindi na ako pwedeng mag-labas ng hinanakit? Hindi ko na pwedeng gawin yung mga ganitong bagay kasi idol ako? Kung ganoon, wala na akong pake. Kailangan ko ng alak ngayon. Fvck it, gusto kong mawala agad yung sakit." At bumaba na sa sasakyan ang binata.

Nag-dalawang isip si Jeongyeon kung susundan niya ba si Jimin, pero nagulat siya nang biglang may nag-ring.

Naiwan ni Jimin ang cellphone niya sa sasakyan ni Jeongyeon, kinuha ng dalaga ang phone nito at nakitang tumatawag si Namjoon. Sinagot naman ito ng dalaga at sinabing kasama niya si Jimin, humingi na din siya ng tulong at pinasundo niya na din si Jimin in-case na hindi sumama ang binata sa kaniya pa-uwi.

" Baka may makakita sa amin dito na magksama kami ni Jimin, ugh shit bahala na. " Pag-aalala muli ng dalaga at pumasok na din sa club upang puntahan si Jimin.

Duon naman niya natagpuan si Jimin na wala ng mask at naka-cap na lamang habang nainom ng alak.

" Oppa, tama na yan. Stop drinking— "

" Ang sakit, bakit niya ako iniwan? Bakit siya umalis? Ni hindi ko man lang nasabi yung nararamdaman ko sa kaniya. " mapait na ngumiti ang binata at uminom muli ng alak.

" I'm sure na may reason siya kaya siya umalis, oppa wag mo naman pahirapan ang sarili mo ng ganito. Babalik din siya, tiwala lang. "

Yumuko ang binata at nanatiling tahimik. He's silently crying.

Ilang minuto pa ang lumipas ay madami ng nainom si Jimin, si Jeongyeon naman ay nag-aalala na para sa kaniya.

" Lalabas na muna ako oppa, kailangan kong tawagan ulit si oppa namjoon— " tumayo ang dalaga sa puwesto niya at aalis na sana duon pero naramdaman niyang hinawakan ni Jimin ang kamay niya.

Tumingin si Jimin sa mga mata ni Jeongyeon at muling tumulo ang mga luha nito.

" D-Don't l-leave me. Please. "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon