106

264 22 7
                                    

〻❬ p. jimin's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" What is this issue? Huh Jimin, ano na naman 'to? Panibagong gulo? "

" Manager, i swear, matagal na yang picture na yan. 2014 pa yan. " nang masambit ko ang mga salitang iyon ay na-alala ko na naman ang pag-yakap sa akin ni chaeyoung noon.

Oo, yun yung time na mag me-meet up kami ni Chaeyoung at ako bilang si Jimboy. Hays, na-alala ko na naman tuloy yun.

Miss ko na siya, pero wala eh. Baka hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa. At kung kailan naman napag-desisyunan kong tigilan na siya ay ma-issue pa kaming dalawa.

Ang galing nga naman ng mga mata sa paligid namin, nakuhanan pa talaga nila yung time na yun na mag-kasama kami ni Chae. Pero atleast may picture kami na mag-kasama. Ugh, ayoko na nga siyang isipin. Baka mag-bago pa ang isip ko at bumalik ako bigla sa kaniya.

" Career mo na talaga ang ma-aapektuhan dito. Tingnan mo, na-ibalita na may relasyon kayo ni Jeongyeon tapos biglang may picture kayo ni Chaeyoung na mag-kasama? At kahit matagal na yang picture na yan, na-issue pa din kayo at iisipin ng ibang tao na nagkaroon kayo ng something ni Chaeyoung noon diba? " pag-sasalitang muli ni manager Sejin.

" Pero matagal na yan kaya wala ng meaning yan, Jeongyeon is my girlfriend now at wala nang magagawa ang kung sino man doon. Yun din naman ang tingin ng mga tao diba, na si Jeongyeon ang girlfriend ko? Kasi kailangan din para sa career? Kasi gusto ako ni Jeongyeon? Paano naman yung gusto ko? Tinanong niyo ba ako, ha? Si Chaeyoung ang mahal ko pero nilayo niyo ko sa kaniya dahil sa lintek na issue namin ni Jeongyeon! " Pagod na ako makinig ng makinig, ayokong na-cocontrol ako sa mga gusto ko kaya hindi ko na din napigilan na mag salita.

" Jimin, okay lang sa akin kahit sinong gustuhin mo. Pero tumawag sa'kin ang YG entertainment, hindi pwedeng ma-involve si Chaeyoung sa mga ganitong issue dahil nga nitong month lang sila nag debut at rookie group pa lang sila tapos ma-iissue agad? Malaking epekto yun kay Chaeyoung at sa Blackpink kaya sana ay maintindihan mo. "

Tss, yun naman lagi ang inaalala nila. Yung career, yung image namin, yung company nila. Nakakasakal na minsan.

" Tapos na kami ni Chaeyoung at wala na kaming dapat pag-usapan. Kaya wag kayong mag-alala, hindi na ako makikialam sa issue namin ni Chae. Kayo na ang bahala, manager. "

" May event ngayong week. Andoon din ang ibang K-Idols na mag-peperform at kayo din ay magpeperform siyempre. May mga fans din na manonood kaya doon niyo na iclarify ang lahat. " saad ni manager. Tumango nalang ako at lumabas upang puntahan si Jeongyeon.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan para sa event na yun.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon