90

264 25 21
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov ❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Pumasok ako sa kwarto kung nasaan si Jeongyeon. Nakita ko doon si Jeongyeon na natutulog sa kama at nakabenda na ang paa niya.

Nandito din sa loob si Jimin, Jungkook, at ang isa sa mga Manager ng TWICE na si ms. Kim Na Yeon. Siguro ay pinag-patuloy nalang muna ng TWICE ang pag-peperform bago pumunta dito at bisitahin si Jeongyeon.

Pero okay lang ba sa manager ng TWICE na nandito si Jimin at Jungkook? I mean, idols sila at ma-iissue 'to panigurado.

" Oh, Park Chaeyoung, diba ikaw yung sa BLACKPINK? Congrats pala, ms. Park. " saad ng manager nila at nginitian ako.

" Ah salamat po, andito po pala ako para kay Jeongyeon. Kamusta na po siya? " tanong ko naman kay manager.

" Okay naman na siya sa ngayon pero na-sprain daw ang paa niya kaya hindi muna siya mag pe-perform sa mga susunod na linggo. Kung nagtataka ka kung bakit nandito si Jimin at si Jungkook ng BTS, si mr. Park kasi ang nag-buhat kay Jeongyeon papunta dito at sa tingin ko ay close silang dalawa. Sana nga lang talaga ay hindi ma-issue ang dalawang 'to." at tumawa ito ng bahagya. Biglang nawala muli ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi ng manager.

" Ah, lalabas muna ako. Dito muna kayo, wag nalang kayo mag-pahalata na galing kayo dito dahil pagala-gala ang media ha. Mag-iingat kayo, ingatan niyo si Jeongyeon ha? " dugtong pa ni manager kaya napatango ako at ganoon din si Jimin at Jungkook.

" Sige po, thank you po. "

Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Jimin at Jungkook. Nang magtama ang tingin namin ni Jimin ay nginitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik pero sa tingin ko ay nag-mukhang peke ang ngiting iginawad ko sa kaniya.

" Jeongyeon, kamusta ka na? " sambit ko kahit tulog si Jeongyeon. Ayoko namang gisingin siya, pero eto ako at kinakausap siya kahit tulog.

Namiss ko talaga ang babaeng 'to. Oo, inaamin ko na nagselos ako ng kaunti sa ginawa ni Jimin kay Jeongyeon pero hindi ito ang tamang oras para magselos. Alam ko namang importante din si Jeongyeon kay Jimin at baka nag-alala lang talaga ito bilang bestfriend niya. Kung ako siguro siya ay ganoon din ang gagawin ko.

Naka-upo lang ako sa kama habang hinihintay namin na magising si Jeongyeon.

" Chae, congrats pala. " biglang sambit ni Jungkook kaya napatingin ako sa kaniya.

" Salamat oppa— "

" No need to call me oppa, halos magka-age lang naman tayo. By the way, uhm about kay Lisa— "

habang nagsasalita si Jungkook ay biglang naramdaman kong nay humawak sa kamay ko at si Jeongyeon iyon pero nakapikit pa din siya. Bigla itong nagsalita kaya naputol ang usapan namin ni Jungkook.

" Please don't leave me, Jimin oppa. "

Nagulat kaming tatlo sa narinig namin mula kay Jeongyeon, sa tingin ko ay nananaginip ito.

Tumingin ako kay Jimin at ngumiti ng pilit.

" Aalis na muna ako, kayo na ang bahala kay Jeongyeon. " bilin ko sa kanila at nakita ko naman ang biglang pag-bago ng ekpresyon sa mukha ni Jimin at Jungkook.

" Chae— " akmang susundan ako ni Jimin pero pinigilan ko siya.

" Don't leave her, Jimin. Please stay, kailangan ka niya. " at lumabas na ako ng kwartong iyon.

Masakit, pero alam kong kailangan ni Jeongyeon si Jimin ngayon at kailangan ko ding intindihin iyon.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon