48

239 27 0
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

" S-Sige lang po. " sagot ko at tsaka naman nagpaalam yung babaeng staff at si Jeongyeon na kanina pa tahimik.

" So Ms. Chaeyoung, I'll go straight to the point. Sa tingin ko ay alam mo na yung ginawa ni Jimin. Usap-usapan ngayon sa event na ito ang ginawa niya sayo. He looked very concerned nung nahimatay ka. May I ask kung anong meron sa inyong dalawa? "

" Ah, wala pong something sa'min. I also don't know kung bakit ganun siya sa'kin. Maybe nag-alala lang po siya kasi fan ako ng BTS. " sagot ko naman sa tanong ni Manager Sejin.

" But you're not a fan of him. You're his hater. I know naman na aware siyang hater ka niya. He even replied to your hate tweet about him. I won't force you to tell the truth but— " aba, pinipilit niya ba akong sabihin yung totoo? Eh wala naman akong masasabi kasi wala naman talaga akong koneksyon or kahit anong relasyon kay Jimin. I mean, we're not even friends in person.

" Even if you force me to tell the truth sir, wala po akong kailangang sabihin dahil wala naman talagang namamagitan sa amin. "

" Okay, sige. I believe in you. Pero si Jimin, hindi siya nagsasalita simula kanina pa. Ang sama nga ng tingin niya kay Suga kanina eh, nakakataka lang. Never pa naman niyang tiningnan si Suga ng ganoon. We're asking about what he did dahil madaming fans ang nakakita at magiging issue ito kaya sana ay— " naputol naman ang sinasabi ni manager nang biglang may pumasok na naman.

" Stop asking her questions. Wala siyang maisasagot sa mga tanong mo, manager. Let her rest and please leave her alone for the meantime. " sagot ng lalaking pumasok— oh shoot, si Jimin.

Teka, is it just me or parang yung boses niya ay sobrang familiar? Para bang yun yung boses na gustong gusto ko marinig.

" Right. You must rest for a while, miss Chaeyoung. I'm sorry for the questions. Don't worry, inaayos na namin yung nangyari kanina dahil indi ito pwedeng malaman ng media. " at nag paalam na si manager Sejin at umalis na. Nang makaalis na si manager, aalis na din sana si Jimin pero tinawag ko siya.

" A-Ah, pwede ba tayong mag-usap? " saad ko, nagdadalawang isip ako kung tatawagin ko siyang oppa or Jimin nalang. Ewan ko ba, bahala na.

Lumingon siya sa'kin at tiningnan ko ang mukha niya, ang gwapo niya pala talaga. In person, hindi naman siya ganun ka-liit. Siguro nakasanayan lang ng iba na asarin siyang maliit.

Hindi siya sumagot, nakatayo lang siya at nakatitig sa akin.

" Bakit mo ginawa yun? I mean, siguro alam mo naman na hater mo ako diba? Naging issue pa tuloy yung pag tulong mo sa'kin. " panimula ko.

" So? Wala akong pake kung hater kita. You fainted, bakit hindi kita tutulungan? Kahit hater kita, fan ka naman ng ibang ka-member ko at tama lang na tulungan kita. " sagot naman niya, tumingin akong muli sa mukha niya at nakita kong nakatitig lang siya sa'kin habang wala pa ring expression sa mukha.

" Salamat. And sorry na din dahil sa pangba-bash ko sayo dati. "

Hindi siya sumagot. Ano ba naman yan, ang awkard talaga pag hindi siya nasagot. Pero ewan ko ba, kinakabahan ako ngayon. May kausap akong idol, i mean kausap ko din naman sa fan meeting yung ibang members kanina. Pero ito? Ibang klase 'to eh. Ang weird din dahil ang ligalig ng puso ko. Ewan ko ba, ang lakas ng tibok. Baka dahil siguro sa sobrang kaba ko kaya ganito.

" It's fine. But, why do you hate me? Or sabihin na nating bakit ganun ka sa'kin dati? "

" U-Uhm, I don't know. I guess dahil bored ako. But I realized na mali yung ginawa ko. I'm sorry. "

" Do you still hate me? "

" I— don't know. Maybe hindi na. Wala ka namang kasalanan na nagawa sa'kin. And tinulungan mo ako kanina. Sorry ulit. " sagot ko sa kaniya at biglang nilamon naman ng katahimikan ang lugar na ito.

May naalala ako bigla na dapat ko palang itanong sa kaniya.

" By the way, about dun sa panyo. Sinabi ni Oppa Yoongi na sa'yo daw yun. Totoo bang sa'yo yun? "

Naghintay ako ng ilang segundo bago matanggap ang sagot niya.

" Yes, that handkerchief is mine. "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon