47

249 24 1
                                    

〻❬ p. chaeyoung's pov❞ ❫〻

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Nagising ako sa isang malambot na kama at sa isang malaking kwarto. Pero hindi familiar sa'kin ang kwartong 'to.

" Yah, Park Chaeyoung! Loka ka, pinag-alala mo ako! " at niyakap ako ni Jeongyeon.

" Anong nangyari? Bakit nandito ako? " pagtatanong ko. Ang naalala ko lang ay yung nahimatay ako at hindi ko alam kung anong dahilan. Siguro dahil sa pagka-lito at pagod.

Nilibot ko ang paningin sa kwartong ito.

" Kung nagtataka ka kung nasaan tayo, nandito tayo sa isa sa mga private rooms ng venue. "

" Huh, venue? Teka diba dapat nasa clinic ako or sa hospital? O kaya sa bahay or sa condo"

" Gaga, dapat nga sa clinic or sa hospital kita ipapadala. Eh may nagbuhat sayo. Tapos hindi na ako nakaangal kasi— "

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may pumasok.

" Excuse me ma'am. " sambit ng isang babae at may dalang dalawang tubig at dalawang take-out meal.

" Kamusta na po ang pakiramdam mo? Okay ka na ba miss? Eto, kumain na po muna kayo. " saad muli ng babae at inabot na sa amin ang mga pagkain. Parang isa siyang staff kasi may id siya ng bighit eh.

Teka, wait. Nandito pa din ba kami sa fan meeting event?

Paalis na sana ang babae pero siyempre kailangan kong magtanong.

" Miss, teka. Uhm anong lugar 'to? " pagtatanong ko sa kaniya.

" Ah, nasa isang private room po kayo dito sa venue. Nahimatay po kasi kayo kanina, dapat nga po ipapadala na po kayo sa malapit na hospital para makapagpahinga. Pero si Mr. Park po kasi, nagpilit na dito ka nalang daw po pag- pahingahin sa private room. " sagot naman ng babae.

" Teka, Mr. Park? " tanong kong muli. Parang may namumuong ideya at confusion sa utak ko.

" Si Park Jimin po. Nung nahimatay ka po kasi, pupuntahan ka na po sana ni Mr. Yoongi pero biglang sumugod si Jimin papunta sayo.
Parang muntik na nga niyang awayin si Suga eh. Pero ayun, binuhat ka nalang niya tapos nag tanong na po siya sa crew ng venue kung may available private room ba dito. Mukhang alalang-alala siya sayo, ma'am. "

Si Jimin? Teka bakit naman niya ako bubuhatin? Bakit niya gagawin yun? Eh kung tutuusin, hater niya ako. At dapat kamuhian niya din ako.

" Nagulat nga po yung iba lalo na yung mga fans sa ginawa ni Sir Jimin. " dugtong nito.

Nanatili akong naguguluhan at nagtataka. Wala na akong maintindihan.

" Teka, baka naman maging issue yun sa media? " ani ko naman sa babae.

Ang kinakatakot ko, ay baka mamaya ako ang puntiryahin ng mga fans ng BTS lalo na ng fans ni Jimin. At magiging issue 'to panigurado.

" Inaayos na po ng management yung nangyari. Nagexplain na sila sa ikinilos ni Jimin. Tinake-down na din yung mga videos na nakuhanan kanina. Siguro binayaran na lang ng management yung iba para hindi sila magsalita sa media about sa nangyari. "

" Nga pala miss, matanong ko lang. Anong meron sa inyo ni Jimin? Bakit siya ganon sa'yo, miss? " and nung tinanong yan ng babae, hindi ko alam ang isasagot. I mean, wala naman talaga kaming kahit ano ni Park Jimin ah? Ang nakakataka lang talaga, bakit ganun yung naging kilos niya?

" Hindi ko din alam. Siguro dahil fan ako ng BTS, that's why nag-alala siya. I mean, i hate him. Hater niya ako, siguro hindi niya alam na hater niya ako kaya tinulungan niya ako. " sagot ko naman.

" Sa bagay, you have a point din naman. Nalaman din po kasi ng iba na ikaw yung Chaeyoung na hater ni Jimin. Kaya sobrang nagtaka yung ibang fans kung bakit ganun si Jimin sayo— "

Bumukas muli ang pinto kaya naputol ang sinasabi nung babae.

Pumasok naman sa loob ang— oh shoot. Yung manager ng BTS. Si manager Sejin.

" Hello, can I talk to you Ms. Chaeyoung? "

At nakaramdam agad ako ng kaba kahit wala naman akong dapat ika-kaba.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon