Chapter 5

2K 170 133
                                    

Chapter 5: Missing Him
Zanashi

Halos sabay kaming bumagsak ni Iris sa madamong parte ng lupa, pawis na pawis, at hingal na hingal. Pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis sa noo gamit ang braso ko at pagkatapos ay iginalaw-galaw ang leeg ng damit na suot para malamigan nang kahit konti ang katawan ko.

"Pagod na ako. Ilang oras pa ba nating wawalisan 'yan?" reklamo ni Iris, ang pisngi niya'y nagsisimula nang mamula dulot ng matinding sikat ng araw.

"Araw ata ang dapat bilangin dito at hindi oras," mahina kong sabi habang nakatingin sa mga kalat na parang isang taon nang hindi nalilinisan.

Napairap ako. Hindi ko na alam kung pang-ilang irap ko na ba ito. Halos ilang oras na kaming nagwawalis pero hanggang ngayon ay ni hindi pa kami nakakalahati sa dapat naming linisan. Kasi naman! Ba't ba ang dumi-dumi ng lugar na ito?

Captain Salzano's blubbering awhile ago of how undisciplined citizen we were and now this is what I'm going to see? Sino ngayon ang walang disiplina? Ni hindi nila maisagawa ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang lugar.

"Dalawang oras na pagwawalis?" said someone with deep voice with a pure disgust and mock in it. He crossed his arms and stared blankly at the two of us. "That's all that you've got? Nothing else?"

Mabilis na tumayo si Iris, ang walis na hawak niya'y bahagya pang sumampal sa pisngi ko. Kumuyom ang kamao ko at nanggigigil na pinahid ang dumi sa aking pisngi. Iris, Iris. Nakakatulong ka talaga sa lahat ng pagkakataon!

"Sorry, sir! Magpapatuloy na po kami sa ginagawa, sir!" ganadong-ganado niyang sabi na para bang hindi man lang siya nagreklamo kani-kanina lang. Pero nang makalayo siya sa amin ay kitang-kita ko ang pagbagsak ng balikat niya.

"How about the leader's daughter? Ayaw na?" he raised his brow. "Is sweating new to you, princess?" he mocked once again as he saw me wiping my sweat off my face.

I quickly stood on my feet. I've never felt insulted in my whole life just by being addressed as princess. Sa paraan ng pagkakasabi niya'y parang pinapahiwatig niyang katulad ng prinsesa ang naging buhay ko sa mga nagdaang taon, at doon siya nagkakamali. I'm just a slave, slave of my own parents and community.

"Are you pulling the terrorist card to make us follow your order?"

He shrugged. "Sort of."

I raised my eyebrow but he didn't even change his expression. He's still staring at me with no trace of emotion on his face.

"You're right that I'm pulling the terrorist card but you're wrong from thinking that I'm doing it to make you follow my order."

"If this is not what I think then I don't know anymore," irap ko sa kanya.

"What I've said earlier is not only for the kids. We are disciplining you all and you are not an exception, princess. "

Parang may sumabog na kung ano sa akin. Idagdag mo pa ang inis ko nang muli kong marinig ang princess galing sa bibig niya! Hindi rin nakatulong ang sarkastikong pagtaas ng kilay niya. Tuloy ay gusto kong bunutin ito ng paisa-isa! Nakakairita!

"Sinasabi mo bang wala akong disiplina?"

Considering how loud my voice was, it's kinda impressive how he didn't even flinch and blink. He remained like a statue in front of me. Lalo akong nairita!

"What else? To educate me? To implant humanity in me?" marahas kong pinulot ang walis. "Watch me. This princess will clean your mess, Captain!"

Nakasimangot akong lumapit kay Iris. Ang inaasahan ko'y makikisabay siya sa galit ko kay Captain Salzano pero isang kurot lang ang isinalubong niya sa akin. Inis ko rin siyang binalingan ng tingin.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now