Chapter 36

1.8K 126 59
                                    

Chapter 36: That Night
Zanashi

I was right when I said there were so many things that are suppressing us from completely embracing each other. Right after the happiest and most memorable night of my life, another problem came. Plenty problems, actually. One after the other. It was forbidding. Their rejections, their disapproval, and their assumptions were formidable.

The next morning after his proposal, his mother and father visited us. They were furious and violent. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang disgusto sa mga mata ng kanyang Mama, namumula pa ito at mukhang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Mabilis ang yapak niya papunta sa amin. Nakasunod sa kanya ang isang may katandaan ng lalaki, ang noo ay kunot na kunot, ang labi ay nagmistulang isang linya, at ang disgusto ay makikita rin sa mukha niya.

Kung hindi lang humarang sa harap ko si Denver ay marahil muli na naman akong sinaktan at hinila ng kanyang Mama.

"Get out of my way, Denver!"

Sinubukan akong hilain ng Mama niya pero mabilis din siyang pinigilan ni Denver. Agad akong napahawak sa laylayan ng damit ni Denver sa sobrang kaba. Muli kong naalala ang ginawa niya sa akin noong una at huli naming pagkikita.

"Mama, please stop this," may pagbabanta sa boses ni Denver.

Nabaling sa kanya ang galit ng kanyang Mama. Isang napakalakas na tunog ng sampal ang umugong sa buong sala na gumambala sa dating tahimik na bahay.

"How dare you, Denver! How dare you!" sunod-sunod niyang sinampal si Denver pero nanatiling walang kibo si Denver. Nanatili lang siyang nakatingin sa gilid, buong-loob na tinatanggap ang walang awang pananampal sa kanya ng kanyang Mama.

Bahagya akong napaabante dahil doon pero tila natunugan niya ang paggalaw ko kaya mabilis niya akong hinawakan patalikod at ipinirmi sa pwesto ko, pinipigilan ako sa balak kong paggalaw.

Ang lalaking sa tingin ko ay Papa niya ay lumapit sa kanyang Mama at pinigilan ito. Nakita ko ang paghihirap ng kanyang Papa na mailayo ang Mama niya sa kanya dahil nagwawala na ito, ang luha ay tuluyan nang umagos sa kanyang mga mata, at ang mukha ay pulang-pula dahil sa matinding galit. Napayuko ako dahil sa kaisipang ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan nang ganito, kung bakit nagugulo ang pamilya nila nang ganito.

"Talagang may gana ka pang sabihin sa amin na papakasalan mo ang teroristang 'yan!" namamaos niyang sigaw, ang luha ay patuloy na kumakawala sa kanyang mga matang nagsusumigaw ng matinding galit at pagkamuhi.

I flinched upon hearing that word from her.

"She's not a terrorist," simpleng sabi ni Denver pero ang awtoridad ay namayani rito.

"Bullshit, Denver! Nasaan na ba ang utak mo? Nagpaloko ka sa teroristang ito? This is a total bullshit! How can you be with someone who killed your sister mercilessly?!" galit na galit niyang sigaw.

Napayuko ako at ang luha'y nagsisimula na namang dumausdos pababa. Gusto kong linawin ang sarili ko pero maiintindihan ko kung hindi niya ako paniniwalaan. Dahil isa siyang ina na nawalan ng anak. Maiintindihan ako dahil anak ako ng taong walang-awang pumatay sa anak niya. Maiintindihan ko dahil wala akong nagawa para pigilan sila Papa sa kanilang ginagawa.

"That was her father's doing. She has nothing to do with it."

Muli siyang sumugod kay Denver at sinampal ito nang pagkalakas-lakas. "What happened to your logical self, you idiot man! Why don't you use your intelligence right now? Wag kang magpakabobo para lang dyan!" pinanlisikan niya ako ng mga mata at tinangka ulit akong hablutin pero hindi siya hinayaan ni Denver na gawin iyon.

Muling umaksyon ang Papa ni Denver at pinigilan ang kanyang asawa, pero habang ginagawa iyon ay nakatingin siya sa akin nang sobrang talim.

"How can you do this to me, Denver?! How can you do this to your sister?! How can you do this to your family?! Just how?!"

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now