Chapter 40

1.3K 92 17
                                    

Chapter 40: Prayer
Zanashi

Just a minute after Dalia has said everything to me, the door suddeny burst open and Denver rushed inside. His expression is indecipherable but his movement made me realize that something's going to happen again, or maybe.. something's happening right now.

"Denver, what happe—"

Hindi na natapos sa pagtatanong si Dalia nang biglang nagsalita si Denver, ang boses ay punong-puno ng awtoridad at nagsusumigaw ng panganib.

"We need to leave," wika niya habang mabilis akong inaalalayan.

Hindi na ako nagtanong ng kung ano pa dahil base sa kanyang mga kinikilos, mukhang alam ko na ang mga nangyayari.

Medyo masakit pa ang pagitan ng hita ko pero hindi ko na ito ininda pa. Nakaalalay ang isang kamay sa akin ni Denver samantalang ang isang kamay niya ay may hawak na baril. Nilingon niya rin si Dalia para paalalahanan na kailangang maging mabilis at maingat siya sa galaw niya.

Paglabas namin sa private room ay nagkakagulo na ang mga tao. Doctors, nurses, visitors, and even some of the patients were in chaos. Maya-maya lang ay may narinig kaming sunod-sunod na pagputok na mukhang nagmumula sa reception area, na sinundan ng sigawan at iyakan.

Lalo pang nagkagulo ang mga tao. Ang iba'y umiiyak na at ang karamihan ay hinahanap ang kanilang pamilya. Humarap sa akin si Denver at hinalikan ako sa noo.

"Sa fire exit kayo lumabas. Naghihintay doon sila Raygan at ibang mga sundalo."

Ang tila batong nakaharang sa lalamunan ko ay pinilit kong lunukin. "Paano ka?"

"I need to assist these people. Magkita tayo doon, Sayyana. Please be safe."

Hinalikan niya si baby Treyton bago niya ako pinatakan ng halik sa labi. Sinenyasan niya si Dalia na tulungan ako sa paglalakad. Gusto ko siyang pigilan at magmakaawa na lang na sumunod siya sa amin pero nang makita ang mga matatanda, bata, at ang lahat ng tao sa loob ng hospital, pinili ko na lang maging matatag. Tumango ako sa kanya at mabilis na pumunta sa fire exit kasama si Dalia.

Marami kaming nakakasabay sa pagbaba gamit ang fire exit at halos maipagtulakan na ako pero sa tulong ni Dalia ay hindi ako natutumba. Bago ako tuluyang makababa sa fire exit, nilingon ko muna si Denver. Nasa hallway pa rin siya at kinakausap ang mga tao habang itinuturo ang fire exit na tila ba sinasabihan silang dito na dumaan.

Lumingon siya sa akin pero hindi ko na siya natingnan pa pabalik nang muling magdagsaan ang napakaraming tao. Wala na silang pakialam kung sino man ang nababangga, naaapakan, o naitutulak nila. Ang mahalaga sa kanila'y maunang makalabas dito ng ligtas. Ang bawat isa'y tanging sariling kaligtasan na lang ang iniisip.

"Ay Diyos kong mahabagin sa lahat! Tulungan niyo po ako!" iyak ng isang matandang babae sa gilid ng hagdan.

Nakayuko siya, umiiyak, at naginginig habang walang pakialam ang mga taong dumadaan kahit pa nababangga na nila ang matandang ito. Mabilis akong lumapit sa kanya at lumingon kay Dalia.

"Let's help her, Dalia!"

Sumaklolo si Dalia. Ang buhok niyang nakalugay at maayos na maayos kanina ay gulong-gulo na ngayon. Nakahawak din siya sa kanyang tagiliran na para bang may nakabangga sa kanya.

Hinawakan niya ang matanda sa siko pero tila hindi na makatayo pa ang matanda. Dala marahil ng gulat, takot, at kaba sa mga nangyayari ngayon. Nahihirapan man ay sinubukan kong tulungan sina Dalia at si Lola sa pamamagitan ng paghawak sa kabilang siko ni Lola. Sa kabila nito'y sinisiguro kong maayos ang pagkakahawak ko sa aking anak.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now