Chapter 23

1.7K 162 81
                                    

Chapter 23: Alive
Zanashi

With hopeful eyes and faint smile, I looked at the person in front of us. He's eyeing us cautiously, first at the upper uniform that I'm wearing, then Captain Salzano's military pants, then at his wounded shoulder, then at the armalite that he's holding.

This person in front of me is a bit taller than me but I could say that he's just a teenager. Behind him is another man who, I think, is much older than the three of us.

"Magandang tanghali," Captain Salzano greeted respectfully but since his voice is naturally has authority in it, it almost seems like he's intimidating them.

Nanatiling nakatingin sa amin ang dalawang lalaki, inoobserbahan ang bawat galaw namin. Balak pa sanang magsalita ni Captain Salzano pero patago ko siyang kinurot sa likod para pigilan. Nakakatakot na nga kami ngayon tingnan dahil sa suot at dala namin tapos dagdagan pa ng boses niyang nakakatakot din?

Ngumiti ako. "Magandang tanghali po sa inyo. Hindi kami masasamang tao. May gusto lang sana kaming itanong. Hindi na magtatagal pa."

Kumunot ang noo nitong nasa harap kong binata pero tumango rin kalaunan. Ramdam kong sasabat na naman si Captain Salzano kaya muli ko siyang kinurot sa likod. Salubong ang kilay niya nang tingnan niya ako pero hindi ko na lang pinansin.

"Ah, may hinahanap lang kasi kami. Gusto lang sana namin tanungin kung may nakita ba kayo ritong mga, um, sundalo?"

"May hinahanap?" bumagsak ang tingin niya sa baril na hawak ni Captain Salzano. "Mga sundalo?"

"W-wag kang mag-alala," agap ko dahil mukhang iba ang iniisip niyang pakay namin. "Hindi namin sila sasaktan. Actually, kasamahan namin sila. Sundalo rin itong kasama ko at siya ang Captain nila. Gusto lang namin sanang malaman kung namataan niyo ba sila malapit dito?"

"Captain?"

Tumango ako, umaasang maalis na ang pagdududa nila sa amin. Nagkatinginan silang dalawa ng kasama niya.

"Kung gano'n," muling baling sa amin no'ng binata. "Ikaw po ba si Captain Salzano?"

Nanlaki ang mga mata ko at tuwang-tuwang tumingin kay Captain Salzano. May alam sila!

"Ako nga."

"Paano naman kami makasisiguro?" tanong nung may katandaang lalaki.

"He's really Captain Salzano!" agap ko.

"Paano nga kami makasisiguro? Madaling sabihin na siya nga ito pero kailangan namin ng patunay. Hindi namin sigurado ang pakay niyo."

"Here," hinubad ni Captain Salzano ang military dog tag na suot at ipinakita ang nakasulat dito.

"Denver Kyson Salzano.." basa ng binata. "Siya nga, Tito Dante! Siya nga iyong hinihintay nila."

Kumabog ang dibdib ko. May alam nga sila!

"Ang ibig mong sabihin, alam niyo kung nasaan sila?" Captain Salzano asked.

Tumango ang binata at ngumiti sa unang pagkakataon. Ngayong ngumiti siya'y mas lalo kong napatunayan na teenager nga lang siya. He looked mature when he's serious but when he's smiling, he looked like he's around sixteen or something.

"Oo, sumama kayo sa amin," ani ng tinawag ng binata bilang Tito Dante.

Inilahad ng binata ang kamay kay Captain Salzano. "Nurjamin Arshad nga po pala."

Tinanggap ito ni Captain Salzano. "Denver Kyson Salzano."

Sunod na naglahad si Tito Dante kay Captain Salzano. Habang ginagawa nila iyon ay inilahad ko ang kamay ko kay Nurjamin at ngumiti.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now