Chapter 19

1.7K 188 178
                                    

Chapter 19: Reject
Zanashi

Maliit lang ang kwebang nakita namin. It's not really a cave, though. Para lang siyang pinagtagpi-tagping malalaking bato. Bukod sa mga maliliit na damo ay wala namang mga kakaibang bagay pang naroon sa loob. It's not a very pleasing place but we could actually spend our night here.

Sa unang oras naming pagsilong sa kwebang ito, sinubukan kong gamutin ang sugat ni Captain Salzano. Pumunit ako sa manggas ng damit ko at ito ang balak kong ipantakip sa sugat niya. Ayos lang naman dahil mahaba naman ang manggas ng damit ko.

Wala kaming emergency kit kaya naghanap lang ng alternative tools si Captain Salzano. Nagdududa pa ako lalo na nang sabihin niyang tanggalin ko ang bala sa balikat niya gamit ang manipis ngunit matibay na kahoy na nakita niya.

"It's just very simple, Sayyana! You'll just get the bullet then you can breathe again," inis niyang tugon nang hindi pa rin ako gumalaw.

Nakasandal siya sa bato, ang kabilang kamay ay nakahawak sa sugatang balikat, at salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin, iritang-irita. Ang baril, kalo, at pantaas niyang uniporme ay nakalapag na sa tabi niya. Tinulungan ko pa siyang tanggalin ang sando niya para magamot na ang sugat sa balikat niya.

Ang flashlight na ibinigay niya sa akin ay nakalapag sa tabi ko habang ang isang flashlight naman niya ay nakapatong sa kanyang kalo. Iyon ang nagsisilbing ilaw namin dahil talagang dumidilim na ang paligid.

"Using that stick?!" pahisterya kong tanong. Pakiramdam ko'y maduduwal ako sa harap niya kahit na nakaluhod na ang tuhod ko sa lupa. "I can't! What if it will infect you more? Mapapahamak ka lalo!"

"It got stuck in here for how many hours. Mas mapapahamak ako kung hindi ito matanggal. Is that what you want?"

"N-no.."

"Then just get the fucking bullet, Sayyana!"

Kabado man ay sinunod ko pa rin ang gusto niya. Mura siya nang mura dahil maya't maya ang pagtigil ko at pag-alanganin. Tuloy ay kada mura niya ay napapasigaw ako. Nanginginig din ang kamay ko nang sobra kaya hindi ko makuha-kuha ang bala sa balikat niya.

Makaraan ang ilang sandali ay hinuli niya ang kamay kong nanginginig.

"Just.." pumikit siya nang mariin na para bang pinipigilan ang sarili. "..calm the fuck down, okay?" iritado na niya talagang sabi.

Kanina pa siya fuck ng fuck! Nakakainis na dahil imbes na kumalma ay lalo pa akong kinakabahan.

"I can't calm down! Hindi ako marunong nito. Baka lalo pang lumalim ang sugat mo!"

"How many fucking times do I have to tell you that you just fucking need to get the fucking bullet?"

"Stop fucking me!"

"I'm not fucking you!"

"I mean.." lalong nanginig ang kamay ko. Ngayon nga lang ay dahil na sa irita at hindi na sa kaba. "Stop saying fuck to me, will you? Nakakarindi!"

After how many shouts, fights, and curses, I finally succeeded on cleaning his wound. Nakasandal na rin ako ngayon sa bato, isang metro ang layo mula sa kanya, at tinatapik ang dibdib na hanggang ngayon ay kabado pa rin dahil sa panggagamot sa sugat niya.

"Knowing that you grew up watching AFFO, it's implausible to think that you don't have a damn idea on treating gunshot wounds," aniya. Hindi pa rin makausad sa kaduwagang ipinakita ko kanina.

"It's because I'm not into medicine?" sarkastiko kong sagot.

Hindi man kapani-paniwala pero talagang hindi ako marunong gumamot ng mga sugat, lalo na kapag tama ng baril. Karamihan sa amin ay nag-aaral ng medisina pero mas pinili kong maging guro. Hindi naman tumutol pa si Papa lalo na't makakatulong din daw ito sa grupo.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now