Chapter 22

1.7K 185 105
                                    

Chapter 22: Salute
Zanashi

"Halika nga rito. Pupunasan kita."

Bago pa siya makalapit ay tiningnan ko na siya nang masama. I squeezed my tee shirt that was soaked with water before I bent down to squeeze my pants. Ang sikat ng araw ay bayolenteng tumatama sa akin.

"Wag ka ngang yumuko ng ganyan!"

Kumuha ako ng maliit na bato at itinapon sa kanya. Hindi siya umilag kaya natamaan ang boots niya.

"Wow, you still have the audacity to order me around? I'm in this situation because of you!"

"It was just an accident, though.."

"It wasn't! You purposely did that! You want me to feel cold again so you could offer another body heat, tama ba?"

"I didn't think about that but now that you're suggesting it, who am I to decline?"

"Alam mo, tumataas ang dugo ko sayo. Paano mo ako nagawang pakiligin isang oras tapos inisin sa susunod?"

He bit his lower lip as if suppressing himself to smile while staring at me. Balewala ito dahil umangat ang isang sulok ng labi niya, tila tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Tinatawanan mo ako?"

He cleared his throat and clicked his tounge before dropping his smile. "No, I'm not."

Umirap ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang matapos niyang bigyan ng kakaibang init ang katawan ko'y ganito ang mangyayari. We were just kissing then the next thing I knew, I was already under the water.

"It was an accident. Nakalimutan kong nasa sapa tayo kaya natumba kita."

Nag-init ang mukha ko. "Kung gano'n, ano pala ang balak mong gawin kung wala tayo sa sapa?!"

"Papatong sayo?"

Kumuha pa ako ng bato at itinapon sa kanya. Hindi niya ulit ito inilagan at sa halip ay tumakas ang malalim ngunit mahinang halakhak mula sa kanya. Tumama ang bato sa upper uniform niyang hawak niya ngayon sa kabilang kamay.

"Bastos ka, ah!"

"Nagtatanong ka, sinasagot ko lang."

"Ba't kasi ganyan ang mga sinasagot mo? Your mouth has no filter at all!"

"Why do I need to filter it? I'm just being honest, Sayyana. Iyon talaga ang balak ko kung wala tayo sa sapa."

"Tingin mo naman papayagan kitang pumatong sa akin?!"

"Ngayon, hindi. Kanina, hindi natin alam," ngisi niya. Nang makita ang talas ng tingin ko sa kanya'y tumikhim siya. "Just kidding."

"Ha! I honestly didn't know you have this kind of humor. Lalaki ka nga talaga."

Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin, matawa, mainis, o magalit sa pinagsasabi niya! Hindi ko pa kailanman nakitang ganito kaaliwalas ang mukha niya at kung sa ibang pagkakataon pa, baka may oras pa akong mamangha. Ngayon nga lang, gusto kong punitin ang labi niya dahil sa kakangiti niya sa akin. Nakakatawa talaga?

Inabutan ulit kami ng gabi. Huminto kami sa baba ng puno kung saan ang lupa rito'y patag at hindi maputik. Wala pa rin talaga kaming nakikitang pwedeng makatulong sa amin sa paghahanap sa mga kasamahan niya.

Ibinigay ko ang dalawang kahoy na napulot ko kay Captain Salzano bago umupo sa isa sa mga ugat ng puno na naririto ngayon. Itinapat ko ang flashlight sa kanya. Nagsimula siyang magpainit ng dalawang bato habang nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Maliban sa flashlight na hawak ay wala nang iba pang liwanag. Mukhang wala pang mga kabahayan malapit dito.

The Nation's OutcryWhere stories live. Discover now