Chapter 10 (JM's Determination)

12 2 0
                                    

Kaeri's POV

"Bunsooooo! JM!!!!!" Kaliwa at kanan ang sigaw ko para hanapin si JM.

Medyo madilim na ang paligid kasabay na din ng mahihinang kulog at kidlat.

"Bunsoooo!!!" Muli ay sigaw ko.

"W-wag kang lalapit!" Nadinig ko ang boses n'ya sa di kalayuan.

"B-bunso??" Sabi ko habang hinahawi ang mga halaman at damong nakaharang sa daan.

"P-please! Wag kang lalapit!" Sigaw n'ya.

Agad-agad kong hinanap kung saan nagmumula ang boses n'ya nang muntik nakong mahulog sa maliit na butas/hukay.

"Bunso!" Sigaw ko matapos ko s'yang makita doon.

Nakatingin lang sa ibaba at nakita kong nagdudugo ang may bandang paa at mayroon din s'yang mga galos sa braso.

"Dugo 😍😍😍😍" aaah! Di ko talaga mapigilan ang sarili ko.

"Wait Kaeri! It's not time to fantasize those blood!" Sa isip ko saka ako umiling-iling para alisin sa isip ko yung dugo.

Naghanap ako ng medyo matibay na pagkakapitan saka ko iniabot ang kamay ko sa kanya.

"Bunso, tara na? Let's go home together 😊" sabi ko habang iniaabot pa din ang kamay ko.

JM's POV

aaaah! Naabutan na naman n'ya ko sa nakakahiyang posisyon.. I really hate this feeling! Author! Sana naman hindi laging ganito diba??

Inabot ko ang kamay n'ya saka iyon hinawakan ng mahigpit. Sa tulong n'ya ay naka-ahon ako mula sa maliit na hukay na iyon.

"S-salamat.. you really saved me" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko at pansin kong todo tingin n'ya sa mga sugat ko at sa dugong dumadaloy sa binti ko. Pero pansin ko din na pinipigilan n'ya yon.

Pumilas s'ya nang kaunti sa damit n'ya para talian ang sugat ko.

"Kailangan nating maampatan yang sugat mo😊" nakangiting sabi
n'ya.

"S-salamat" nahihiyang sabi ko.

Ilang sandali pa ay bumuhos na ang ulan. Hinawakan n'ya ko sa kamay at saka inalalayan.

"Tara dito tayo😊 para kasing may napansin akong abandonadong hotel doon. Pwede tayong sumilong hanggang hindi pa humuhupa ang ulan. 😊" kalmadong sabi nito.

Sumang ayon naman ako sa kanya at tumungo nga kami sa hotel na sinasabi n'ya.

May pagkaluma na ang hotel na yon at halatang abandonado na nga iyon dahil basag-basag na ang mga salamin noon at napakadilim ng paligid.

"Halika at magpahinga muna tayo dito" sabi n'ya.

Napansin kong nanginginig na s'ya sa ginaw dala ng pagkabasa sa ulan kaya inalis ko sa bewang ko ang nakataling jacket ko saka iyon ipinatong sa mga balikat n'ya.

"Okay lang ba sayo?" Sabi n'ya na ang tinutukoy ay ang pag lagay ko ng jacket sa kanya.

"Okay lang ako.. ahmmn Kaeri" sabi ko saka ko kinuha ang kamay n'ya at hinawakan iyon gamit ang dalawa kong kamay.

"Salamat dahil iniligtas mo ko. Salamat dahil dumating ka para hanapin ako.. Salamat--" naputol ang sasabihin ko nang may kumalabog sa itaas.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now