Chapter 30 (Where is Kaeri?)

8 3 0
                                    

      Sam's POV

      Kumilos na kami agad para mapuntahan si Kaeri... Hindi kami mapalagay hanggang hindi namin nakikitang okay s'ya at kasama namin.

       "Tsk! Subukan lang n'ya na may gawing iba sa binibini ko malilintikan talaga sakin yang lalaki na yan..." Inis na sabi ko habang nasa back sit.

        "We're on the same side... Hindi ko din alam kung ano magagawa ko sa kanya pag may nangyari kay Kaeri..." Ani ni Carl habang nagdadrive.

        "Chill ka lang Carl, alalahanin mo nagdadrive ka... Baka maaksidente pa tayo kung wala sa pagdadrive ang atensyon mo." Turan ni kuya Nigel kay Carl pero halata din sa muka n'ya ang pagkatuliro...

         Lahat kami ay nakakaramdam ng pagkabalisa dahil sa hindi namin alam kung okay lang ba si Kaeri.

        "Okay ka lang ba senpai?" Tanong ni JM kay Shunya senpai dahil tahimik lang ito at nakatingin lang sa malayo.

       Oo madalas ngang tahimik lang ito pero napansin kong iba ang pagkatahimik n'ya ngayon. Alam mo yung tipong nanunuod ka ng anime tapos makikita mo yung pulang awra na lumalabas sa katawan n'ya? Ganon...

        "Senpai?" Pagtawag na muli ni JM.

        "Ah ... Yes?"nabiglang Tanong nito.

        "Okay ka lang ba?"- JM.

         "Ah... Y-yes... I'm fine...thanks..." Sagot nito saka muling tumingin sa malayo.

           Vince POV

          "Guard this room while I was away okay? Don't ever let her leave this place. I'll just go somewhere and be right back again... Pagbalik ko ay aalis na tayo. Okay?" Pagbilin ko sa mga tauhan ko.

         "Yes Sir!" Sagot naman nito.

         "Okay... I'll leave everything to your hands... I'll go...oh, and before I forget, don't forget to give her sweets..." Muli ay pagbilin ko saka ako tumalikod paalis.

         Alam kong mahilig si Kaeri sa swets at alam kong napapasaya s'ya ng mga ito. Isa pa, gusto kong bumalik s'ya sa dati n'yang itsura... Gusto kong ipakita sa kanya na ako lang ang nararapat sa kanya at ako lang ang kayang tumanggap ng totoong s'ya regardless sa itsura n'ya.

         Ako lang ang totoong nagmamahal sa kanya at gusto kong malaman n'ya yon. Kailangan ko na din s'yang ilipat ng lugar dahil alam kong may mangyayari na pipigil sa mga plano ko... I don't want to distrust Winston but I know that he's up to something.. Kaya kailangan ko nang maisagawa ang mga plano ko as soon as possible...

      Third person POV

      Binilinan kami ni Mr. Vince na dalan ng mga sweets at snack yung babaing dala n'ya nung isang araw.

       "Oh, oras na para magdala ng pagkain..." Sabi ko sa kasamahan ko.

       Agad din naman kaming kumuha ng mga sweets sa storage at dinala sa kwarto nung babae.

       Knock! knock!

       "Tuloy...."Sagot nito kaya pumasok na din kami.

        Inaasahan kong magandang babae ang bubungad samin dahil ganon na lang ang pagkahumaling ni Mr. Vince dito pero isang babaeng puro tigidig ang muka at mataba ang nandito.. Like what the hell??? Is it a joke??? Nagayuma ata si Mr. Vince..

          Nagmadali na lang kaming lumabas para hindi na namin makita pa ang babae at isinara ng maigi ang pinto para na din hindi ito magtangkang lumabas.

My Otaku Girl (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن