Chapter 25 (JM's troubled heart)

8 3 0
                                    

       JM's POV

         Maaga akong nagising ngayong umaga at agad-agad na bumaba sa kusina para kumain ng breakfast. Nadatnan ko doon si mommy na nagluluto. Nakasuot sya ng apron at pinagugulong-gulong ng manipis na sandok n'ya ang hotdog na pinipirito n'ya.Si daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng isang tasang mainit na kape.

             "Good morning" bati ko sa kanila.

            "Good morning anak💕" balik na bati ni mommy.

             "Kumain ka na ng breakfast at ng maisabay na kita pagpasok ko ng trabaho." Sabi ni daddy na tinapunan ako ng saglit na sulyap.

            "Aa hindi na po, may usapan kasi kami nung kaibigan kong si Nigel na magsasabay kami ngayon. Nand'yan na yata s'ya sa labas mom, dad. Kaya mauuna nako." Paalam ko sabay beso-beso sa dalawa.

           "Oh sige mag-iingat kayo ha?" Paalala ni mommy at nakangiti naman akong tumango.

        Mrs. Salcedo's POV (Jm's Mom)

         Naiwan kaming mag-asawa sa kusina habang patakbong umalis si JM. Hmmn, ang laki na talaga ng baby ko. Dahil nag-iisang anak namin s'ya kaya sa kanya nabuhos ang lahat ng atensyon naming mag-asawa at gagawin namin ang lahat para sa ikabubuti n'ya.

         "Mukang masayang-masaya s'ya ngayon no?" Usal ko habang inilalagay sa plato ang mga hotdog na niluto ko.

          "Oo kumpara sa dati n'yang school" sagot naman ng butihin kong asawa.

          "Hmmn, Hindi ko tuloy ngayon alam kung pano natin sasabihin sa kanya na lilipat na tayo papuntang America." Malungkot na sabi ko.

           "Let me tell him... I will let him understand the circumstances" seryosong sabi nito saka muling humigop ng kape.

    Author's POV
   
       Mabilis na lumipas ang maghapon at nagsiuwian na ang lahat.

          "Andito na ko!" Sigaw ni JM habang hinuhubad ang suot na sapatos at saka ibinaba ang bag na dala.

          "JM we need to talk" ani ng daddy n'ya saka umupo sa sofa sa harap n'ya. Si Mrs. Salcedo naman ay pumwesto sa likuran ni Mr. Salcedo at humawak sa balikat nito.

          "What's with the sad atmosphere?" Tanong ni JM.

         "We're moving in America..." Diretsong saad ni Mr.Salcedo.

         "H-ha?? Seriously??B-baket?Anong dahilan?" Takang tanong ni JM.

         "Honey,your grandma is sick and she need us to care for her..." Malambing namang saad ni Mrs. Salcedo.

          "B-but mom,I just made new friends a-and ngayon ko lang nae-enjoy ang school... I- I can't leave okay?"matapos na sabihin iyon ay dagli-dagli itong umakyat sa hagdan patungong kwarto n'ya.

         Naiwan naman ang mag-asawa na malungkot na nakatingin lamang kay JM habang papaakyat ito.

         "I don't want to leave here... Right? Jess?😔😔" Malungkot na sabi ni JM habang hawak-hawak at yakap-yakap ang paborito n'yang alagang Iguana na si Jess.

           "H-Hello? Nigel?" Ani ni JM na kausap si Nigel sa telepono.

            "Yo JM..."Sagot naman ni Nigel sa kabilang linya.

            "P-pwede bakong makituloy sa inyo?"Diretsong sagot nito.

            "Sure... Punta ka nalang dito..."walang pag-aalinlangang sagot ni Nigel at gumuhit naman sa mukha ni JM ang ngiti.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now