Chapter 38 (I LOVE YOU)

9 3 0
                                    

         Cliff's POV

         Naisama ko si Shunya sa Chess competition na matagal na n'yang inaayawan dahil ayaw n'yang malayo dun sa Kaeri na yon.

         "Oh gising ka na pala, maghanda ka na dahil maagang magsisimula yung competition" sabi ko matapos kong humigop ng mainit na kape.

         "Okay" tipid na sagot nito.

          Nag-ayos na din ako dahil isa ako sa unang batch na sasalang. Magkahiwalay kami ng grupo ni Shunya kaya kung mananalo ako at mananalo s'ya sa mga magiging laban n'ya ay may posibilidad na magkaharap kaming dalawa.

         S'ya lang naman ang palagi kong nagiging katunggali at pagdating sa huli ay palagi ko s'yang natatalo.

           Nagsimula na ang match at katulad ng inaasahan sunud-sunod ang mga naging pagkapanalo ko.

            Nakikita ko din na sunud-sunod din n'yang pinapabagsak ang mga kalaban n'ya.

           Ngayon ay kaming dalawa naman ang magkalaban pagkatapos ay championship na kung sino ang mananalo sa amin ay makakaharap ang defending champion nung nakaraang championship.

          Umupo na kaming pareho at iniayos ang mga chess pieces at pagkatapos non ay nag set up na ng timer.

          Ngayon ay magsisimula na kami at s'ya ang naunang mag move.

          "So Shunya, m-may gusto sana kong sabihin sayo" Nagdadalawang isip kong sabi.

          "What is it?" sagot nito habang seryosong nakatingin sa board.

           "I was thinking to tell you this after a very long time. What do you think if we settle this by knowing who will win?" Ani ko saka ko iniusod ang isang chess piece paabante at kainin ang chess piece n'ya.

           "What are you saying? What is it?" Tanong nito.

            "I like you. It started a long time ago" Pikit mata kong sabi.

           "I know that. You're my friend right?" Sabi nito.

           "No, not that kind of liking. I'm saying that it's more than friends" sagot ko.

           "Can we make a deal? If I win, you'll have to date me" dagdag ko.

            "I have a girlfriend you know" sagot n'ya.

            "I know, pero puro stress lang naman ang ibinibigay n'ya sayo, bakit hindi mo ko bigyan ng chance? Why don't we decide on this game?" Suhestiyon ko.

             Hindi s'ya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalaro. Matatapos na ang oras at pareho kaming nagkakaubusan na ng chess pieces.

            "Check mate" ani nito na nakapagpatigil sa akin.

           "I'm sorry Cliff" dagdag nito.

           "It's okay.. I- I understand..." nasagot ko na lamang kahit gusto nang pumatak ng mga luha ko.

          "I'm going.. can you play for the championship?" Tanong nito matapos na tumayo.

          Tumango na lamang ako at saka s'ya umalis. Naiwan akong walang nasabi at walang nagawa kundi titigan ang pinaka unang beses na pagkatalo ko sa kanya.

            Makalipas ang ilang oras ay nakita ko si Kaeri na lumilibot sa buong area at alam kong si Shunya ang hinahanap nito.

           "C-Cliff?" Tawag nito.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now