Chapter 29 ( Vince Real Plot)

10 3 0
                                    

"I'm sorry Kaeri... But this is the only thing that I can do... Ang tagal kitang hinanap uli.. Nalaman ko din na kaya ka lang naman nila gusto dahil gumanda ka...Pero ako? Gusto kita kahit ano kapa... Para sakin ka lang Kaeri... Hindi ka nababagay sa iba..." Sa isip ni Vince habang nakatingin sa walang malay na si Kaeri.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay umalis na si Vince sa condo kasama ang walang malay na si Kaeri para lumayo.

"Aaah... Ang sakit ng ulo ko....tsk..."Ani ni JM na unang nagising sa lahat.

"Oy guys... Gising... Inumaga na tayo dito...." Pag-gising nito sa mga natutulog pang kasamahan.

"Tsk... Umaga na pala... T-teka... Si Kaeri nasan?" Tanong ni Nigel na nakahawak pa sa ulo dahil sumasakit ito.

"Oo nga no? Wait... Nasan na yung mga staff na kasama natin kagabi?"tanong ni Sam.

"K-Kaeri-san??😮" agad na tumayo si Shunya para libutin ang codo pero wala s'yang nakitang Kaeri at Vince doon.

"S-she's missing..." Saad ni Shunya sa apat.

"Anoo???? Nasaan s'ya???wait tawagan natin ang mama n'ya...." Suhestiyon ni Carl..

Agad namang nagdial si Carl ng numero para makausap ang mama ni Kaeri...

📱ringing....

"Hello?" sagot nito sa kabilang linya.

"Hello po. Goodmorning ma'am. Si Carl po ito yung kaibigan ni Kaeri... Itatanong ko lang po sana kung kasama n'yo s'ya ngayon?" Tanong ni Carl.

"Hindi ee.. Pero ipinagpaalam s'ya ni Vince na isasama sa susunod n'yang event...pumayag naman ako since malapit sa pamilya namin si Vince... May problema ba?" Tanong ni Mrs. de Villa sa kabilang linya.

"Ganon po ba? S-Sige ho... Salamat..." Matapos yon ay ibinaba na ni Carl ang telepono.

"Anong sabi?" Tanong ni sam.

"Nagpaalam daw si Vince na isasama n'ya si Kaeri sa susunod n'yang event..." Tugon ni Carl.

"There is something wrong here... We need to help her..."Ani ni Shunya.

"W-why??? What's the problem?" Tanong ni Nigel.

Isinalaysay ni Shunya lahat ng nadinig n'ya sa CR nung araw na yon at naalarma ang apat sa mga nalaman nila.

"Let's contact that damn manager..." Singit ni Nigel.

"Pero wala tayong number non" -Sam.

"Meron ako... Kinuha ko to kahapon bago magstart ang party kuno ng sira ulong yon..." Inis na sabi ni Nigel.

"That's good. Call him now" sabi ni Carl.

Agad na tinawagan ni Nigel ang numero na ibinigay sa kanya ni Mr. Winston at nagring naman ito.

"Hello??? San n'yo dinala si Kaeri ha????" Bungad ni Nigel.

"Please... Help her...." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Bakit??? Hoy!!!! Pag may nangyaring masama kay Kaeri malalagot kayo samen!" Gigil na sigaw ni Nigel sa Kausap at pati sila Carl ay naalarma na din.

"Oy Winston! Sino ba yang kausap mo? Tara dito at may pag-uusapan tayo..." Tila galit na sabi ng Ikalawang tinig mula sa kabilang linya.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now