Chapter 35 ( The One I Love )

7 3 0
                                    

         Kaeri's POV

       "Ilang araw na din akong nag-iisip kung bakit ko nga ba ginawa yung bagay na yon... Haaaayst! Kaeriiii! Gising!!!" Ani ko sa sarili ko habang hinahampas ko ang ulo ko.

        Halos di na din ako makapagfocus sa klase. Paulit-ulit kasi bumabalik sa isip ko yung kiss na yun at paulit-ulit ding namumula ang pisngi ko sa kahihiyan... Ayst! Nahihiya tuloy akong tumingin o kausapin si senpai.

         Umupo ako sa kama ko at doon ay ibinagsak ko ang katawan ko. Nagpagulung-gulong ako sa kama ko dahil na din sa pagpa-flashback ng eksenang yon.

      "Hmmn, totoo na ba tong nararamdaman ko? S'ya na nga ba talaga?" Ani ko saka ko hinawakan ang dibdib ko.

        Maya-maya ay kinuha ko ang phone ko saka ako nag-isip ng matagal at malaunan ay napagdesisyunan kong magsend ng messages sa kanilang 5.

      "Hmmn, that should do it..." Sabi ko sa sarili ko saka ko ipinikit ang mga mata ko.

         Author's POV

       Sa pagsend ng messages ni Kaeri ay sabay-sabay namang nareceived ito ng apat.

          "Please meet me at the rooftop tomorrow after class

              -Kaeri"

           "Seems like a group message, ano naman kaya ang sasabihin n'ya?" Ani ni Carl habang nagpupunas ng buhok dahil kakatapos lang maligo.

        "Hmmn, mukang importante" sabi naman ni Nigel na kasalukuyang nagpapahinga mula sa photoshoot n'ya.

         "Okay lang kaya talaga ang binibini?" Ani ni Sam na kasalukuyang nanunuod ng anime.

        "Tungkol kaya saan tong group message nato?" Sa isip ni JM habang pinapakain si Jess.

        "I'm just glad you're back to normal Kaeri-san😊" sa isip ni Shunya habang nakikinig ng music sa headphone n'ya.

        Kinabukasan...

        "Yo!" Bati ni Nigel kay Carl na nakaupo sa desk n'ya.

       "Oh Nigel!" Sagot naman ni Carl.

       "Anu sa tingin mo?" Ani ni Nigel.

        "Saan?" Balik na tanong ni Carl.

        "Sa message ni Kaeri. Alam ko namang Group message yun ee." Tugon ni Nigel.

        "Hindi ko alam... Pero mukang importante... Anyway, mabilis lang naman ang maghapon" sagot ni Carl habang nakatingin lang sa nakatulalang si Kaeri.

         Lunch at Cafeteria...

       "Hindi sasabay satin si Binibini?" Tanong ni Sam na paupo pa lang sa upuan.

       "Nope.. Inaya namin s'ya pero may mga gagawin pa daw s'ya kaya late na s'ya kakaen" tugon ni Nigel.

       "Hmmn, lalo tuloy akong naku- curious sa gusto n'yang sabihin mamaya ee" sabi naman ni JM.

        "Mabilis lang naman ang araw kaya wag ka nang mainip" ani ni Carl.

         "Let's just wait for her okay? 😊" nakangiting sabi ni Shunya.

        After Class..

       Dumating na ang oras para sa sasabihin ni Kaeri kaya naman nagtungo na ang lima sa rooftop kagaya ng nasa text message ni Kaeri.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now