Chapter 23 (Tie in Between)

10 3 1
                                    

            Nigel's POV

            "Narinig mo yon Sam? May gusto si Lindsay kay Carl... do you think what I'm thinking? 😈" sabi ko kay Sam habang nagtatago sa gilid kung saan hindi kami kita ni Carl.

             "Damn that Carl... Crush ng bayan si Lindsay tas iignore lang n'ya? Hmmn. Yes, I guess I get what your thinking..." sagot naman ni Sam.

            After naming madinig ang naging pag-uusap ni Carl at Lindsay ay agad naming sinundan si Lindsay para kausapin.

            "Lindsay!" Tawag ko at lumingon naman ito.

           "Oh Nigel! Sam! It's good to see you here...😊" nakangiting sabi nito pero napansin kong nanggigilid ang mga luha n'ya.

             "Ah napadaan lang... umiiyak ka ba?" Sabi naman ni Sam.

             "Aa hinde hinde... n-napuwing lang ako... 😊" nakangiting sabi nito saka bahagyang pinunasan ang luha.

           "Anyway, nandun kami kanina sa cafe at nadinig namin ang usapan n'yo ni Carl... susuko ka na ba?" Diretsong tanong ko.

          "Nadinig n'yo pala... wala naman akong magagawa kung ayaw n'ya sakin diba? Anyway, kasalanan ko din naman... hindi ko binigyang halaga yung feelings n'ya dati... so I'm the one to blame..." nakatingin sa ibabang sagot nito.

           "What if we help you know if he still like you?? We're rivals in Kaeri's heart so it will be easier if he still love you right?" Nakangising sabi ko.

          "Yeah... and also me...we're rivals pagdating kay Kaeri..." singit ni Sam.

          "Panu n'yo naman ako tutulungan?" Tanong nito.

         "Ganito... iimbitahin naming pumunta si Kaeri sa isang park kasama si Carl of course...tapos kunwari nandun ka din pala at magkikita kayo, ihihiwalay namin si Kaeri sa paningin ni Carl at pag nakalayo na si Kaeri... lalayo ka din at babalik kami kay Carl para sabihing nalaglag si Kaeri sa pond pati ikaw. Kung sino ang una n'yang puntahan... that's his answer.. ano deal?" Paliwanag ko.

         Sumang-ayon naman s'ya sa plano namin. Well it's a test na din kung talagang gusto n'ya si Kaeri talaga hindi ba?

         Author's POV

         Kagaya ng napagkasunduan, nagyaya ng isang araw na pamamasyal sila Nigel kasama si Carl at Kaeri.

            "Alam n'yo medyo matagal na din ng mapunta ako sa ganitong lugar😊" ani ni Kaeri habang inililibot ang sarili sa isang public park.

           "Anu naisipan n'yo at naisipan n'yong magyaya?" Tanong ni Carl.

         "Wala naman, just wanna release stress you know..." Sabi ni Nigel.

          "Ah guys wait lang aa. Mag CR lang ako..." sabi ni Kaeri.

         "Sige... Sabay na din ako magpunta sa male restroom..." sabi naman ni Sam.

          "Okay... we'll wait here..." Sabi naman ni Carl.

          "C-Carl?" Tawag ng isang pamilyar na tinig kay Carl at lumingon naman ito.

           "Lindsay? What a small world. Andito ka din pala?" Tanong ni Carl.

         "Ah, o-oo. Pang tanggal stress." Sagot nito.

          "Oh tamang-tama nandito ka pala Lindsay. Carl, hintayin mo sila Kaeri d'yan aa? May ipapakita lang ako kay Lindsay sa banda don..." Sabi ni Nigel saka Hinila si Lindsay palayo.

My Otaku Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now