Chapter 33 ( The Realization )

9 3 1
                                    

Author's POV

Kahit hindi pa nakakalabas ng ospital ay araw-araw pa ding pinupuntahan ni Kaeri si Shunya saka ito inaalagaan.

Ilang araw pa ay nakalabas na din si Kaeri ng ospital ngunit hindi pa din nagkakamalay si Shunya. Araw-araw matapos ang klase ay diretso na agad si Kaeri sa hospital para magbantay.

Carl's POV

"Kaeri, magpahinga ka kaya muna? Hayaan mong kami naman ang magbantay kay Shunya. Hindi na maganda sa kalusugan mo kung halos di ka na natutulog..." Ani ko kay Kaeri na pinupunasan ang mga kamay ni Shunya.

"Ayos lang... Kailangan ako ni Senpai. Alam kong one of this days gigising din s'ya." Sagot nitong nakatingin lang kay Shunya.

Kinabukasan...

"Alam n'yo bilib ako kay Shunya... Kase no one can do that heroic thing. I mean, kahit ako hindi ko alam kung kaya kong gawin yon." sabi ni Nigel habang humihigop ng canned orange juice.

"Oo ibang klase nga s'ya..."tugon ko habang nakatitig sa hawak kong sandwich.

Sa totoo lang bilib talaga ko sa taong yon. Tahimik at walang kibo pero alam mong totoo ang pagmamahal n'ya kay Kaeri.. Oo mahal namin si Kaeri pero, to the point na gawin namin ang ganong bagay? Hindi ko alam kung makakaya ba naming gawin yon.

"Tara! Matatapos naman na ang klase, bakit di tayo dumalaw sa ospital?" Suhestiyon ni Sam.

"Oo nga. T'yak nandun na din si Kaeri.. Bumili na din tayo ng pagkain at sigurado akong halos di n kumakain yon." Sambit naman ni JM.

"Okay! Tara!" Aya ni Nigel.

Nang makarating kami sa ospital ay hindi kami nagkamali. Nanduon si Kaeri at sa nakasanayang tagpo, nakaupo lang s'ya sa tabi ni Shunya at nakatitig dito.

"Aa, kaeri, kami muna dito... Magpahinga ka muna..." Ani ni Nigel.

"Oo nga naman binibini. Magpahinga ka na muna.." Singit naman ni Sam.

"Thank you guys.. Pero okay lang ako."Sagot nito.

"You're not okay. You need to rest." Sabat ni JM.

"Here, we brought some foods for you. Eat first..." Sabi ko sabay angat ng plastic na may lamang mga pagkain.

"T-thanks.. Siguro sa roof top ko na lang to kakainin. Gusto ko din ng sariwang hangin" Tugon nito.

"Sige Kaeri, samahan na kita." Anyaya ko at tumungo naman ito.

Naiwan yung tatlo sa kwarto kasama ni Shunya at sinamahan ko naman si Kaeri sa rooftop.

"Ang sarap talaga ng hangin dito" Sabi ni Kaeri na nakatingin lang sa malayo.

"Oo masarap nga" tugon ko naman.

"Pag gising ni senpai, dadalin ko s'ya dito. Masakit sa likod ang nakahiga lang kaya dito ko s'ya unang dadalhin" pagpapatuloy nito.

"Oo tama yan, pero kailangan mo ding magpahinga..." Sabi ko.

"Salamat sa inyo aa... Pero gusto kong gawin to dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit s'ya nagka ganon..." Malungkot nitong sabi.

"Wala kang kasalanan Kaeri... Ginusto n'ya yon dahil may dahilan s'ya. Ginawa n'ya yon dahil may dahilan s'ya kaya wag mong sisisihin ang sarili mo" paliwanag ko.

"Kumain kana at bumalik na tayo doon.." Dagdag ko.

Kumain naman s'ya at bumalik na kami sa loob. Sakto naman na dumating si Fumiya sensei at napilit namin si Kaeri na umuwi muna at magpahinga.

My Otaku Girl (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن