Prologue

733 17 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior consent of the author.


Civil Engineer Series 1: Eyes On You

xxx

"Congratulation team, we made it." Masaya kong bati sa aking team habang nakataas ang hawak kong alak, nasa isang private room kami sa bar ngayon para i-celebrate ang natapos naming project. Isang five star hotel iyon at masasabi talaga namin na na-stress at mahirapan kami pero na kaya namin matapos ito.

"Engineer Morales, congrats sa atin at pasensya ka na rin ito na ang huling pagsasama at pag-away natin sa isang project," sabi sa akin ni Architect Henzo Romero ang architect sa project namin.

"Kaya nga, e, iniwan mo agad ako pinagpalit mo ako sa project mo sa Dubai." Pabiro kong sabi sa kaniya, ngumiti naman siya sa akin.

Si Architect Henzo ay nakasama ko sa maraming project na at komportable na ako sa kaniya kahit sa mga pabago-bago niyang design kahit nagbabangayan kami sa site at okay na sa amin iyon paglabas ng site, sanay na rin kami kung mapagsalitaan namin ng masama ang isa't isa kaya nalungkot ako ng sinabi niya sa akin na aalis na siya ng Pilipinas dahil sa magandang offer sa kaniya sa Dubai.

"Sabi ko naman sa iyo pwede kita isama roon, ikaw lang naman may ayaw," sabi niya sa akin.

"Alam mo naman na ayaw ko sa ibang bansa, mas maganda kung sariling bansa natin ang pagtrabahuhan natin," sabi ko.

"Oo na nga, hayaan mo alam ko na magaling na architect din ang makakatrabaho mo at papalit sa akin," sabi niya.

"Sana nga, sana hindi maarte papalit sa iyo na makakasama ko sa isang project, mayroong bagong project pa naman ako na binigay ni Boss sa akin," sabi ko.

"Sunod-sunod project, a," sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Nag-usap lang kaming dalawa ng tungkol pa sa ibang bagay nang magsawa na kami mag-usap ay nagpaalam siya na lalabas daw siya at makiki-party, dalawa na lang kasi kaming natira sa private room ng bar, niyaya niya ako lumabas pero umayaw ako, hindi naman kasi ako mahilig sa party.

Habang umiinom ako ng alak sa loob ng private room ay nakatingin ako sa labas, glass lang kasi pader nito at nakikita ko ang labas.

Muntik ko na maibuga ang iniinom kong alak ng may mahagip ang mata ko ng isang pamilyar na tao. Dali-dali naman akong lumabas para sana siguraduhin ko kung hindi ako pinaglalaruan ng mata ko pero paglabas ko ay hindi ko na siya makita, napabuntong hininga ako, lasing na yata ako at kung anu-ano na ang nakikita ko, imposible naman kasi na siya iyon. Bumalik na lang ako sa loob ng private room at kinuha ang bag ko, hinanap ko si Henzo at iba kong mga kasama at nagpaalam ako bago umalis ng bar.

Paglabas ko ng bar at pumunta ako sa kotse ko at sumakay roon, nag-drive ako papunta sa bahay.

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko nang magising ako, naligo muna bago bumaba at nagbihis ng pants at isang kulay blue na plain V-neck shirt.

Pagbaba ko ng bahay namin ay nakita si Mama na nag-aayos ng agahan namin.

"Anak, kain ka muna bago pumunta sa office ninyo," sabi ni Mama.

"Ma, babaon na lang ako sa sandwich male-late na ako, e," sabi ko, ngumiti naman si Mama at may kinuha sa kusina, pagbalik niya ay isang baunan ang dala niya na may lamang sandwich, inabutan niya rin ako ng tumbler.

"Kainin mo 'yan sa biyahe, orange juice iyang nasa tumbler mo, mag-ingat sa pagmaneho Lila, ha," sabi ni Mama, nag-kiss ako kay Mama bago ako lumabas ng bahay at dumeretso sa kotse ko.

Nang makarating ako sa office ay halos takbuhin ko na ang papuntang conference room dahil malalate na talaga ako, may meeting pa naman kami tungkol sa bagong project at ngayon ko rin makikilala ang bago kong makakasama sa project na architect.

Nang makarating ako sa conference room ay nakita ko roon si Boss at ang iba pang makakasama ko sa project.

"Good morning, Boss," pagbati ko sa Boss namin, tinanguan naman ako nito kaya pumasok na ako sa loob at tumabi ako kay Engineer Sebastian.

"Buti umabot ka pa," sabi nito sa akin, inirapan ko naman siya.

Nagsimula na ang meeting namin, ako naman ay nakikinig lang dini-discuss kasi ang tungkol sa bagong project, napakunot naman ang noo ko ng makita ko na pamilyar lahat ng mukha ang nakita ko.

"Sprouse, wala pa ba ang bagong Architect na makakasama ko?" tanong ko kay Engineer Sebastian.

"Wala pa," sabi niya sabay tingin ulit sa harap.

Napataas naman ang isang kilay ko, napaka-unprofessional naman ang architect na iyon.

Nasa kalagitnaan ng discussion ng biglang bumukas ang pintuan ang conference room at pumasok doon ang isang taong hindi ko inaasahan, napanganga ako ng makita ko ang gwapo niyang mukha.

"I'm sorry, Sir," sabi nito habang nakatingin  kay Boss.

"By the way, si Architect Joseph Javier nga pala ang makakasama ninyo sa project." Pagpapakilala ni Boss sa bagong dating, tumingin naman sa amin siya ng nakangiti ng magtagpo ang mata namin ay nawala saglit ang ngiti niya at napangisi siya sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Engineer Morales, si Architect Javier nga pala ang bagong architect na makakasama mo sa project," sabi ni Boss sa akin, napanganga naman ako.

Bakit siya pa sa dinami-dami ng architect sa bansa, bakit siya pa? Bakit siya pa na ang taong unang dumurog sa puso ko.

Eyes On YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora