Chapter 25

252 7 0
                                    

Chapter 25

Seph's

Hinding-hindi ko sasaktan si Bri iyan ang pangako ng maging kaming dalawa. Iyon na yata ang araw na sobrang saya ko iyong babae kasing tinitingnan ko lang dati ay akin na sobrang saya ko talaga.

Dumaan ang mga araw naging busy si Bri, nauunawaan ko naman siya dahil alam ko naman gustong-gusto niya makapasa ng kaya sinusuportahan ko siya kasi iyon lang ang magagawa ko sa kanya ang suportahan siya sa pagtupad ng pangarap niya.

Isang araw nagkayayaan ang tropa namin na kumain at lumabas kami. Tapos sakto na gusto ko pumunta kila Bri dadalawin ko siya kaya naman doon ko sila niyaya sa malapit lang sa boarding house nila Bri.

Habang kumakain kami sa KFC noon napatingin ako sa katabing table namin na parang nagdadabog ng makita ko iyon ay nagulat ako kasi sila Bri iyon tapos si Bri ang sama ng tingin sa akin. Nilapitan ko siya pero bad trip na bad trip sa akin, pinagseselosan si Cassie pigil na pigil naman ako mapangiti dahil sa pinapakita sa akin ni Bri. Sinabihan niya ako na huwag kausapin siya tapos ng hindi ko nga kinausap parang mas nagalit sa akin, minsan mahirap talaga unawain ang mga babae. Hanggang sa sumama ako hanggang sa pag-uwi nila sa boarding house naiwan lang kaming dalawa sa labas at nag-usap kami. Nagkaayos naman agad kaming dalawa nagselos lang talaga si Bri kay Cassie. Si Cassie kaibigan ko lang naman iyon at hanggang doon lang iyon.

Dumating ang birthday ko tapos first monthsary pa namin may usapan kami na lalabas kaming dalawa pero nagulat ako ng tumawag siya sa akin.

"Hello babe!" Masayang bati ko ng masagot ko ang tawag niya.

"Hello, happy birthday babe," sabi niya naman agad napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Papunta ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Iyon na nga, hindi ako makakapunta may biglaang group study kami, sorry talaga," sabi niya.  Natigilan naman ako at panabungong hininga. Birthday ko pa naman tapos first monthsary naming dalawa.

"Okay lang, naintindihan ko naman ang priority mo." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Sorry talaga, bukas na lang tayo magkita sakto naman na wala akong class bukas," sabi niya sa akin.

"Sige," malungkot na sagot ko sa kanya.

"Sorry talaga babe, happy birthday and happy first month," sabi niya sa akin. Wala sa loob ko naman na pinatay na ang tawag.

Nalungkot talaga ako kasi birthday ko at first monthsary namin ito pero ganoon ang nangyari. Pilit ko naman na iniintindi dahil alam ko naman ang dahilan niya.

"O si birthday boy dumating!" Sabi sa akin ni Lucas ng makita niya ako nasa bar kami ngayon kanina pa nila ako niyaya pero hindi ako sumama kasi may lakad kami ni Bri pero hindi naman natuloy kaya naman pumunta na lang ako rito.

"Bakit wala girlfriend mo?" Tanong sa akin ni Cassie ng makalapit siya sa akin.

"Busy siya may group review," sabi ko tapos umupo ako sa upuan kung nasaan ang barkada. Tumabi naman agad sa akin si Cassie at humawak sa braso ko. Binigyan ako ni Lucas ng isang basong may alak ininom ko naman iyon.

"Walang time sa iyo ang girlfriend mo birthday na birthday mo," sabi ni Cassie sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at uminom na lang ako.

Naintidihan ko naman si Bri kasi nagrereview siya nalulungkot lang talaga ako na hindi ko siya nakasama ngayong araw. Uminom lang kami ng uminom hanggang sa hindi ko nakayanan.

Nagising ako kinabukasan na katabi ko si Cassie parehas kaming walang mga saplot. Mabilis naman akong napabangon at nagbihis ng damit si Cassie naman ay nagising.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now