Chapter 16

183 8 0
                                    

Chapter 16

"Kuya, bakit ganoon iyon akala ko ba nakapag-usap na tayo," sabi ko habang nagpapadyak sa loob ng opisina ni kuya Dash.

"Hoy Kalila nasa opisina kita tawagin mo akong boss, wala kang galang sa boss mo," sabi niya sa akin inirapan ko naman siya.

"Boss bakit ganoon nga?" Tanong ko sa kanya.

"Iyong ano?" Painosente niyang tanong sa akin.

"Kuya sabi mo iba iyong architect sa project pero bakit si Javier pa rin?" Asar na asar kong tanong sa kanya.

"Wala ng ibang architect atsaka hindi ka na lugi kay architect Javier magaling naman iyon," sabi niya pa habang pumipirma sa mga papeles na nasa table niya.

After seven years ito ulit ang muling pagkikita namin ni Se- I mean ni Architect Javier. Noong unang araw na nagkita kami kinausap ko na si kuya na ayoko sa architect siya o ako mismo ang aalis sa project sabi naman sa akin ni kuya na aayusin niya at papalitan niya raw tapos after one month habang tinitingnan ko iyong plano nakita ko na nakapirma roon si Javier. Nasalisihan ako ni kuya Dash.

"Sabi mo papalitan mo!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ano ba problema mo kay architect? Okay naman siya atsaka nakapirma na kayo sa kontrata, isang buwan na rin ang nakalipas," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Kuya dinaya mo ako!" Inis na inis na sabi ko, totoo naman kasi sakto na marami akong pinipirmahan noong nakaraang buwan tapos pumunta mismo si kuya sa opisina ko tapos nagmamadali akong pinapirma sa papel na dala niya ako naman si tanga hindi ko na binasa kasi marami akong ginagawa at basta ko na lang pinirmahan.

"Wala akong ginawa atsaka bakit ba ayaw mo sa kanya bakit may nakaraan ba kayo?" Tanong niya sa akin natigilan naman ako, walang alam si kuya sa nakaraan namin kaya todo pilit niya ang project namin.

"Nakakainis ka," sabi ko tapos nagpapadyak ako sa harap niya. Sa ganoong kaganapan ay bumukas ang opisina ni kuya Dash at pumasok ang tita at tito ko, iyong mga magulang ni kuya Dash. Inayos ko naman agad ang sarili ko tapos lumapit ako at bumeso.

"Ano na naman pinagtatalunan niyo?" Tanong ni tita Sanya.

"Iyang paborito niyong pamangkin gusto palitan iyong architect niya," sabi ni kuya Dash inirapan ko naman siya.

"Sinong architect mo, Lila?" Tanong naman ni Tito Dan.

"Hindi ko po architect hindi akin," sabi ko bigla napatakip naman ako sa bibig ko nagkatinginan naman si tita at tito tapos tumawa.

"Si Architect Javier Dad, laki ng issue ng paborito niyong pamangkin doon sa tao," sabi ni kuya. Inirapan ko naman siya.

" Architect Javier? Magaling naman iyon maganda ang mga nagawa niyang project, bakit ayaw mo, Lila?" Tanong ni tita Sanya.

"Ex niya yata, mom." Napatingin naman ako kay kuya Dash at tiningnan siya ng masama.

"Kwento mo kuya," sabi ko.

"Boss sabi," sabi niya. Inirapan ko naman siya.

"Tita hindi lang ako komportable sa kanya medyo baguhan pa kasi siya." Pagdadahilan ko sa totoo lang ay kahit medyo pabaguhan siya ay marami na siyang natapos na project na talaga namang kapuri-puri.

"Anak magaling naman iyon, hayaan mo na, sinasabi ko naman sa iyo na pwede ka naman dito na lang sa opisina, pwedeng-pwede mo palitan sa pwesto si kuya Dash mo," sabi sa akin ni tita, tiningnan ko naman si kuya Dash na nakatingin ng masama sa akin.

"Hinding-hindi ako bababa sa pwesto ko," sabi ni kuya Dash napatawa naman ako.

"Tita tsaka na po kapag Dr. Engineer na ako," sabi ko habang nakangisi kay kuya Dash. Actually joke lang naman iyon wala naman sa isipan ko na palitan si kuya Dash, kaso itong si kuya Dash seneryoso iyong sabi nila tita. Alam ko rin naman na nagbibiro sila tita at tito sinasakyan ko lang.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon