Chapter 3

228 7 0
                                    

Chapter 3

"Malapit na mag-February," nakangiting sabi ni Aislinn.

"Manahimik ka dati tuwang-tuwa ako ngayon hindi na nakakatuwa," sabi ko sa kaniya.

"Bakit kasi tumatanda ka na?" Pang-aasar niya sa akin.

"Medyo, tumatanda akong walang jowa," sabi ko.

"Nasaan iyong bata mong arki?" Tanong niya sa akin, tiningnan ko naman siya ng masama.

"Hindi ko bata iyon ano, hindi ako papatol sa mas bata sa akin itaga mo sa bato," sabi ko sa kaniya.

"Sige tingnan natin," sabi niya tapos ay ngumiti naman siya sa akin ulit. "Ano plano mo sa birthday mo?"

"Wala," simpleng sagot ko.

"Ay boring naman," sabi niya.

"Sa 14 na lang tayo mag-celebrate," sabi ko sa kaniya.

"Sige tutal wala tayong pasok ng 14," sabi niya.

February 13 kasi ang birthday ko at kapag busy kami or may pasok kami tuwing birthday ko ay ceneycelebrate namin iyon ng 14 naggo-group date kami nila Sprouse at Aislinn, ako talaga ang third wheel sa kanilang dalawa.

Last week na ng January ngayon kaya nagpausapan namin ni Aislinn, halos two weeks na rin na nagsimula ang second semester namin. August kasi ang pasukan namin kaya January ang start ng second semester namin.

"Wala ka bang ganap sa 14?" Tanong ko kay Aislinn.

"Wala hangga't hindi ako niyaya ni Baby Zeon mag-date," sabi niya habang kinikilig pa, napailing naman ako minsan sarap pektusan niyan pero hinahayaan ko na lang.

"Close na ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Medyo," sabi niya habang pinakita sa akin ang hinlalaki at hintuturo niya na may maliit na space sa gitna nito.

"Medyo lang pala, huwag ka na umasa," sabi ko sa kaniya.

"Hindi naman masama mag-assume," sabi niya sabay upo sa mesa ng bench na tinatambayan namin ngayon na malapit lang sa canteen namin.

"Hindi ka engineering para mag-assume," sabi ko.

"Hindi naman engineering lang ang mahilig mag-assume a," depensa niya pa.

"Bahala ka nga," sabi ko. "Nasaan pala si Sprouse?"

"Sabi niya may gagawin daw siya," sagot niya sa akin habang inuunat ang dalawa niyang paa sa katabi kong upuan.

"Ikaw wala ka pang klase?" Tanong ko sa kaniya bago ko kunin ang clipboard ko at ballpen ko sa bag ko.

"Mamaya pa," sabi niya.

"Hindi ka kaya ma-late? Hoy Bebs, malayo ang department ninyo sa department namin," sabi ko. Ibang building kasi ang department ng mga education, doon pa siya sa kabilang building sa amin kasi Architectural at Engineering department ay magkasama sa iisang academic building.

"Hindi iyan, tsaka sanay na ako ilang taon na rin akong laging pumupunta rito sa inyo," sabi niya sa akin.

"Wala ka bang ka-close sa kaklase mo?" Tanong ko habang nagsisimula na mag-solve ng trigonometry na assignment namin sa pre-board namin.

"Mayroon, kaya naman mas tambay na ako rito sa department ninyo kasi nandito crush ko sumusulyap ako baka makita ko rito sa paligid," sabi niya habang iniikot niya ang paningin niya sa paligid.

"Habol ka nang habol sa crush mo baka pinapaasa ka lang," sabi ko na naka-focus pa rin sa sino-solve ko.

"Hindi ako aasa kung walang siyang motibong binibigay," sabi pa niya.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now