Chapter 21

205 7 1
                                    

Chapter 21

Matapos noong pangyayari sa parking lot ay umalis na kami bumalik na kami sa site, doon din kasi ang punta ni Architect Javier. Pagdating namin sa site at tumambay muna kami sa office nila Sprouse. Hindi rin naman tagal ay dumating na rin si Ara na nakanguso sa akin tapos iniirapan ako. Iniwan daw kasi naman siya. Ako naman ay tahimik lang. Hanggang sa magsimula ang buhos ay tahimik lang ako nag-oobserve lang ako sa buhos.

Napabuntong hininga ako sa loob ng office ko at as usual may pinipirmahan na naman ako. First Monday ng month ngayon at every first Monday ay may meeting kaming mga project engineer at iba pang mga bosses.

"Engineer magsisimula na raw po ang meeting," sabi sa akin ni Jorhem na nasa may pintuan ko. Tinanguan ko naman siya tapos nag-ayos na ako, may pinauna na akong tao ko rito sa office siya ang taka take notes ko sa mga pag-uusapan.

Pumunta na ako sa conference room nandoon na ang ibang mga bosses, Engineers at Architects, wala pala si Boss pero hindi rin nagtagal ay dumating na siya. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang meeting namin. Katabi ko sa Ara at Sprouse sa meeting namin nasa tapat ko naman si Architect Javier na napansin ko na kanina pa sumusulyap sa akin pero hindi ko pinapansin tahimik lang akong nakikinig at kapag may tanong ako ay nagtatanong ako.

Tumagal ang pag-usap dahil maraming sinasabi si boss na dapat matapos na project lalo na ang mga malapit na ang deadlines. Tapos nagdiscussion din tungkol sa mga bagong projects namin.

Alas dos na ng hapon natapos ang meeting namin gutom na gutom talaga kami. Tubig nga lang ng tubig kami dahil iyon lang ang pantawid gutom namin, noong namigay ng sandwich ay kinain agad namin iyon habang nakikinig kami sa meeting.

"Lunch tayo sa unli rice, gutom na gutom na ako," sabi ni Ara habang nakahawak pa sa tiyan niya kalabas lang namin ng conference room.

"Tara," sabi ko naman sa kanya. Dala ko naman ang phone at wallet ko kaya hindi na ako pupunta sa office ko.

"Sama ka?" Tanong ni Ara kay Sprouse. Tumango naman si Sprouse.

"Tara na," sabi ko sa kanila.

"Hoy Architect Javier sama ka maglunch sa amin?" Tanong ni Ara ng makita nita si Architect Javier. Napairap naman ako kay Ara. Napalingon naman sa amin si Architect Javier na mayroon kausap na isang Architect din. Nagpaalam siya sa kausap niya tapos lumapit sa amin.

"Sure," sabi ni Architect Javier.

"Tara na gutom na gutom na ako," sabi ni Ara. Umalis na kami at naghanap kami ng malapit na Mang Inasal. At nang makakita na kami ay mabilis kaming pumasok sa loob noon. Humanap agad kami ng vacant na upuan at umupo kami si Architect Javier at Sprouse naman ay ang mag-oorder.

"Ano sa inyo?" Tanong ni Sprouse sa amin ni Ara.

"Bangus sisig," sabi ko.

"Ako rin," sabi naman ni Ara tumango naman si Sprouse. Umalis naman agad sila ni Architect Javier para makaorder na. Mayamaya ay bumalik na sila. Wala naman kasi masyadong tao kaya mabilis silang nakaorder may dala silang number na nakastick nilagay nila iyon doon sa lalagyan ng stick.

"Aalis kayo sa September 9?" Tanong ni Spouse sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Ara. Bago pa kami makasagot ay dumating na iyong pagkain namin kaya naman kumain na agad kami.

"Aalis nga kayo? Saan punta niyo?" Tanong ulit ni Sprouse.

"Sa Batangas," sagot ko habang kumakain.

"Ano gagawin niyo roon?" Tanong naman ni Architect Javier.

"Birthday ni Aisee," sagot ni Ara kaya naman sinipa ko siya sa ilalim ng table.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now