Chapter 8

181 4 0
                                    

Chapter 8

Pagpasok na pagpasok ko sa room namin nakita ko agad ang mga mata nga mga kaklase ko na nasa classroom na namin. Mga nakangiti sila hanggang sa nagsisigaw na sila at nang-aasar na. Hinayaan ko naman sila ganyan kasi iyan sila mga lumuwag na ang turnilyo sa utak dahil sa engineering. Masaya sila o kami kapag may issue o kaya chismis na gaya nga ganito sa akin na inaasar ako roon sa arki.

Natigil lang ang pang-aasar nila ng may dumating ng professor at nagsimula na ang klase. Reporting lang naman kami sa subject namin kaya naman ako nagbasa na lang ng pdf at nagsulat ako ng summary ng report ko sa yellow pad. Mamaya ay itatype ko ito sa powerpoint.

Nang matapos ang klase namin ay bumaba na kami nila Ara at Sprouse lunch na rin kasi ala-una na ng hapon. Next class namin mamayang 2:30 pm pa.

"Ano pinag-usapan niyo noong arki at ang haba ng videocall niyo?" Tanong ni Ara ng makahanap kami ng mauupuan sa canteen. Kanina pa iyan tanong ng tanong hindi ko lang sinasagot kasi may ginagawa ako kaya hindi niya ako gaano kinukulit.

"Nagkakamabutihan na yata sila," nakangising sabi naman ni Sprouse kaya naman ay inirapan ko silang dalawa.

"Mga issuerist kayo mana kayo sa mga kaklase natin, tinulungan lang ako noong tao sa calculus e," sabi ko.

"Iba rin," sabi naman ni Ara. Iniwan ko naman sila sa table sumunod naman sa akin si Ara at sabay kami na nag-order ng pagkain namin.

Nang makaorder na kami ay bumalik na kami sa table si Sprouse naman ang tumayo at bumili ng lunch niya. At ng bumalik na si Sprouse sa table namin ay nagsimula na kaming kumain. After namin kumain ay binalik na namin ang pinagkainan namin tapos nagpahinga lang kami saglit bago kami umalis sa canteen ay tumambay sa may bench na may table may gagawin kasi kasi kami ayaw namin sa canteen kasi maingay doon. Si Ara magpapaturo kasi kay Sprouse.

Nasa harap ko nakaupo sila Sprouse at Ara na nagsosolve ako ay solo ko ang isang mahabang bench. Nakalagay sa table ang laptop ko tapos sa kanang bahagi ko ay nandoon ang summary na ginawa ko kanina para sa report ko.

Habang nagtatype ako sa laptop ko ay may tumabi sa akin kaya napatingin ako rito, nakita ko naman na iyong arki na feeling close iyon.

"Kanina pa kayo rito?" Tanong niya, binalik ko ulit ang focus ko sa pagtatype ko.

"Medyo lang, katatapos lang namin maglunch," sabi ko habang nagtatype ako.

"Late na a, kakalunch niyo lang," sabi niya habang nakatingin sa relo niya.

"Sanay na kami na ganitong oras ang kain namin," sabi ko naman.

"Hoy Arki, sana all," sabi ni Ara kaya napatingin ako sa kanya sakto naman na nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti iyong ngiting malisyosa.

"Hello ate," sabi naman noong Arki. Ngumiti lang si Ara bago magsolve ulit si Sprouse naman ay tinanguan lang si Arki, ganyan kasi iyan si Sprouse focus kung focus sa pagsosolve.

"Anong oras ka nagising kanina?" Tanong niya sa akin.

"Mga alas otso na iyon," sabi ko habang sa laptop ko pa rin nakatingin.

"Ah," sabi niya tapos sumobsob siya sa lamesa pero nakaharap sa akin iyong mukha niya.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Alas sais gising na ako, alas osto kasi klase ko," sabi niya.

"Three hours lang tulog mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

Tumango naman siya tapos pumikit siya, hinayaan ko naman siya kasi kawawa naman.

"Wala ka pang klase?" Tanong ko sa kanya.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now